Apat na taon. Apat na mahabang taon ang lumipas mula nang gabing iwan ko ang Manila at ang tanging lalaking minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Upang pigilan ang aking isip na bumalik sa mga alaalang iyon, ibinaon ko ang aking sarili sa trabaho. Araw-araw, pinipilit kong maging abala hanggang sa mawalan na ako ng lakas na mag-isip o lumuha pa. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho na ako bilang receptionist sa isa sa mga kilalang hotel dito sa Cebu. Maganda ang takbo ng aking buhay rito. Tahimik, payapa, at malayo sa magulong mundo ng mga mayayaman na minsan nang sumira at bumura sa pagkatao ko. Kahit na minsan, naiisip ko pa rin ang mga panahon na kasama ko si Lucas. Akala ko tuluyan ko nang nailibing ang nakaraan, hanggang sa isang hapon, ang lahat ng pagpapanggap ko ay gumuho sa isang iglap. Kasalukuyan akong nakatayo sa front desk, nakangiting bumabati sa mga pumapasok na bisita habang inaasikaso ang mga papeles sa computer, nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki na humi
Read more