공유

Kabanata 3: Ang Kasunduan

작가: authorj_
last update 게시일: 2026-05-02 17:56:06

“Marry me, Zabeth. And I will save your company. That is my proposal.”

Parang natulala sa hangin si Zabeth sa sinabi ni Claudio. Nakatulala lang siya, hindi makapaniwala sa naririnig. Ang lalaking kinatatakutan at kinaiinisan niya, ngayon ay inaalok siya ng isang kasunduan na parang galing sa isang bangungot.

“Are you insane?” nanggagalaiting sagot niya. “We hate each other! You are the last person on earth I would ever want to be with!”

Tumawa nang mahina si Claudio, sadyang pinaparinig sa kanya ang pang-aasar. Lumapit ito sa kanya at sumandal sa gilid ng mesa, nakahalukipkip habang tinititigan siya.

“Hate is just another form of passion, Zabeth,” sagot nito nang may kislap sa mata. “At saka, sino bang nagsabing kailangan nating mahalin ang isa’t isa? This is purely business. A transaction.”

Umiling-iling si Zabeth, sinusubukang ayusin ang gulo sa isip. “This is crazy. Kasal ang pinag-uusapan natin! Hindi ito basta kontrata lang na pipirmahan at tapos na!”

“Exactly,” sabi ni Claudio at kinuha ang isang makapal na folder mula sa kanyang mesa. Inilapag nito iyon nang malakas. “Kaya nga magiging kontrata ito. Lahat ilalagay natin sa papel. Walang halong emosyon. Walang halong gulo.”

Binuksan ni Claudio ang folder at ipinakita sa kanya ang mga dokumento. Nakasulat doon, MARRIAGE SETTLEMENT AGREEMENT.

Nanlaki ang mata ni Zabeth. “Pinaghandaan mo ito?”

“Always prepared, darling,” ngisi nito. “Nang pumasok ka sa pinto ko, alam kong may kailangan ka. At alam ko ring may kailangan din ako.”

Umupo si Claudio at inaya siya. “Umupo ka. Pag-usapan natin ang terms. Straightforward lang ito.”

Napabuntong-hininga si Zabeth at dahan-dahang umupo. Alam niyang wala na siyang ibang choice. Kung tatanggi siya, babalik siya sa opisina na may dalang balitang tuluyan nang sarado ang kumpanya. Kailangan niyang lunukin ang pride niya. Kahit gaano pa kasakit.

“Sige,” sabi niya, matigas ang boses. “Sabihin mo ang kondisyon mo. Pero alam mong hindi ako basta-basta papayag sa mga gusto mo lang.”

Tumaas ang kilay ni Claudio, tila humahanga sa tapang niya kahit nasa ilalim na siya.

“Good. I like it when you fight back,” sabi nito. “Pero ngayon, makinig ka. Ito ang plano.”

Hinila nito ang dokumento palapit kay Zabeth.

“Una, Magpapakasal tayo sa lalong madaling panahon. Civil wedding lang. Pormal pero simple. Sapat para makita ng publiko at ng investors na legitimate tayo.”

“Pangalawa, Sa mata ng mundo, kami ang pinakamalakas na couple. Perfect couple. United front. Pero sa loob ng bahay… strangers tayo. Separate lives. Separate rooms. Walang pakikialam sa gamit o schedule ng isa’t isa.”

Napakunot-noo si Zabeth. “Separate rooms?”

“Of course,” sagot ni Claudio na parang obvious lang. “I don’t want you thinking na may aasahan kang something more. Strictly professional. Strictly no touching unless needed for the cameras.”

Kumirot ang pride ni Zabeth pero tinanggap niya iyon. Mas okay nga iyon para sa kanya. Ayaw niya ring mahawakan siya nito.

“Pangatlo,” dagdag ni Claudio, mas naging seryoso ang boses. “Ang kontrata na ito ay tatagal lang hanggang sa makuha at maipatupad natin ang Global Project. Once the deal is sealed and secured… we get divorced. Agad. Walang tanong-tanong.”

Nanlaki ang mata ni Zabeth. “So… it’s temporary?”

“Everything is temporary, Zabeth,” malamig na sagot nito. “Pero habang magkasama tayo, ikaw ang Mrs. Claudio Sanchez. You carry my name. And with that name… comes the power and protection you need to save your dying company.”

Tinitigan ni Zabeth ang mga salita sa papel. Save your dying company. Tama ito. Ito lang ang paraan.

“At ano ang makukuha mo rito?” tanong niya, hindi makapaniwala na ibibigay lang nito ang lahat ng iyon nang ganoon kadali. “Bakit mo gagawin ito? Anong kapalit?”

Ngumisi si Claudio, isang ngising puno ng katalinuhan at ambisyon.

“Simple lang. Kapag pinakasalan kita, pinagsasama ko ang lakas ng Sanchez Group at Mercado Inc. Walang kompetisyon. Walang kalaban. Magiging monopoly kami sa industriya. At higit sa lahat… ang image na power couple ang kailangan ng mga international clients. They love stability. They love unity. At makikita nila iyon sa atin.”

Humarap ito nang tuluyan sa kanya at hinawakan ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. Madiin pero hindi marahas.

“Kikita ako ng bilyon-bilyon dito, Zabeth. At ikaw… mabubuhay ang pangarap ng tatay mo. Win-win situation.”

Natahimik si Zabeth. Tama ang lahat ng sinabi nito. Logical. Practical. Pero… pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang sarili niya. Ibinebenta niya ang pangalan niya sa taong kinamumuhian niya.

“Maraming bagay ang pwedeng maging mali dito,” bulong niya. “Paano kung magkagulo? Paano kung hindi tayo magkasundo?”

“Then we stick to the contract,” putol ni Claudio. “Rules are rules. Kung susunod ka, magiging maayos ang lahat. Pero kung susuway ka… Zabeth, you don’t want to see me angry. Lalo na kapag ako ang may hawak ng leeg ng kumpanya mo.”

Banta iyon. Malinaw iyon. Pero sa likod ng banta, may alok ng kaligtasan.

Tinitigan siya ni Claudio nang matagal. “So? Ano? Deal or no deal?”

Nanginginig ang kamay ni Zabeth habang inaabot ang panulat na iniaabot nito. Isang hakbang ito na hinding-hindi na niya maibabalik. Kapag pinirmahan niya ito, magbabago na ang buong buhay niya.

Magiging asawa siya ng kaaway.

“Mr. Sanchez,” panimula niya, pilit na pinatatag ang boses. “Alam mong hindi ako basta-basta magpapatalo. Kapag pinirmahan ko ito, hindi ibig sabihin na nasakop mo na ako. Ginagawa ko ito para sa kumpanya.”

“Of course,” ngisi ni Claudio. “I never thought otherwise.”

Dahan-dahang idinikit ni Zabeth ang ballpen sa papel. Huminga siya nang malalim. Isipin mo ang mga empleyado. Isipin mo ang Ama mo.

“Pero may kondisyon ako,” sabi niya bago pumirma.

Tumaas ang kilay ni Claudio. “Go on.”

“Walang magmamay-ari sa akin. Kahit sa kontrata pa,” mariin niyang sabi. “At kapag natapos na ang oras na ito… hihiwalay ako nang malinis. Walang habulan. Walang drama.”

“Agreed,” mabilis na sagot ni Claudio.

Pinirmahan ni Zabeth ang pangalan niya. Zabeth Mercado. O sa ngayon… malapit nang maging Zabeth Sanchez.

Nang matapos siya, kinuha ni Claudio ang papel at pinirmahan din iyon nang mabilis, parang may nagmamadali. Nang matapos ito, inilapag nito ang panulat at tumingin sa kanya nang may kakaibang ningning sa mata.

Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang bewang niya at hinila palapit sa kanya, dahilan para mabigla siya sa gulat.

“Now that we are bound by law…” bulong ni Claudio, malapit sa labi niya. Ang amoy nito ay nakalalasing, ang init ng katawan ay nakakagulo ng isip.

Tinitigan siya nito sa mata, puno ng dominasyon.

“Welcome to your new life, Mrs. Sanchez.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 14: Ang Pagbagsak ng mga Ahas

    “Akala niyo ba hanggang dito lang ang kaya ko? Akala niyo ba dahil mahal ko kayo noon… hahayaan ko na lang kayong wasakin ang lahat at magtago sa likod ng mga kasinungalingan niyo? Nagkamali kayo… dahil ngayon, ako na ang hahatol sa inyo.” Umugong ang boses ni Claudio sa buong silid, matalim, puno ng galit, at walang bahid ng dating kahinaan at pagkalito. Ang bawat salita ay parang kidlat na tumama kina Ciara at Mr. Rogelio, na sa sandaling iyon ay biglang nawalan ng kulay ang mga mukha at kumpyansa. Ang pananalig nilang hawak nila ang lahat at madali nilang mapapaikot si Claudio ay biglang gumuho na parang bahay na gawa sa buhanginan. Napahakbang palayo si Ciara, nanginginig ang mga tuhod habang nakatitig sa mga dokumentong nakakalat na ngayon sa ibabaw ng mesa mga dokumentong naglalaman ng lahat ng ebidensya laban sa kanila, mga bagay na akala nila ay nakatago at kontrolado nila habambuhay. “P-paanong… paanong nakuha niyo ang mga ito?” nauutal na tanong ni Ciara, pilit pa ring na

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 13: Ang Katotohanan sa Likod ng Nakaraan

    “Hindi lahat ng nakasulat ay totoo, Claudio. At hindi lahat ng nakaraan ay kung paano mo ito naaalala. Ang katotohanan… ay mas madilim pa kaysa sa inaakala mo.” Nakatayo si Claudio sa tapat ng malaking bintana ng kanyang opisina, nakatanaw sa abalang siyudad sa ibaba. Madilim pa rin ang kanyang paningin, mabigat ang bawat paghinga, at puno ng pait ang kanyang puso matapos ang desisyong ginawa niya ang desisyong isakripisyo ang sarili at ang pagmamahal nila ni Zabeth, kapalit ng kaligtasan nito at ng lahat ng kanilang pinaghirapan. Hawak niya ang kanyang telepono, handa nang tumawag kay Ciara at sabihing pumapayag na siya sa lahat ng kondisyon nito, nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Pumasok si Zabeth, hinihingal, magulo ang buhok, at may hawak na makakapal na mga dokumento at mga lumang talaan. Sa likuran nito ay ang matandang abugado na matagal nang tapat sa pamilya nina Sanchez, si Attorney Manalo. Ang mukha ni Zabeth ay seryoso, matatag, at puno ng kumpyansa isang mukha

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 12: Ang Mabigat na Desisyon

    “Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang lahat ng nakasulat dito, Claudio. Sabihin mo sa akin na wala kang itinatagong kasalanan o lihim na makasisira sa atin. Dahil kung totoo ang lahat ng ito… wala na tayong laban.” Nanginginig ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Zabeth habang hawak niya ang kopya ng mga dokumentong iniwan ni Ciara. Nakatayo siya sa gitna ng silid, nakaharap kay Claudio na nanatiling nakayuko at hindi makatingin nang diretso sa kanya. Ang katahimikan sa pagitan nila ay mas nakakabingi pa sa anumang sigawan, at ang bigat ng katotohanan ay tila dumadagan sa kanilang dalawa. Matapos umalis ni Ciara, nanatili pa rin sa hangin ang banta nito. Ang bawat pahina ng dokumento ay naglalaman ng mga detalye mga transaksyon, mga kasunduan, at mga impormasyon na nagpapatunay na noong mga panahong nagsisimula pa lamang si Claudio, gumamit ito ng mga paraang hindi tumpak sa batas at moralidad para lang umasenso at maitatag ang Sanchez Group. Ang mga bagay na akala nito ay ibaon

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 11: Ang Pagdating ng Nakaraan

    “Hindi sapat ang mga salita at halik sa harap ng kamera, Claudio. Dahil narito na ako… at ngayon, makikita na natin kung sino talaga ang pipiliin mo sa huli.” Nanigas ang buong katawan ni Zabeth habang nakatayo sa may pasukan ng malaking silid-tulugan ni Claudio. Sa kanyang harapan, sa pagitan niya at ng lalaking itinuturing niyang asawa, ay nakatayo ang isang babae maganda, maputi, at may mga matang puno ng pamilyar na ningning na matagal na niyang nakikita lamang sa mga lumang litrato. Si Ciara. Ang babaeng dahilan ng lahat. Ang babaeng akala niya ay bahagi na lang ng nakaraan, pero narito ngayon, nakatayo nang may kumpiyansa at hawak ang bawat hibla ng damdamin ni Claudio. Galing sila pareho sa press conference kanina, kung saan ipinakita ni Claudio ang matinding pagmamahal at debosyon sa kanya. Ipinagmalaki siya nito sa buong mundo. Hinalikan siya nito na parang siya lang ang tanging babae sa buhay nito. Pero sa sandaling bumukas ang pinto at tumambad ang babaeng ito… parang g

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 10: Panganib sa Kumpanya

    “Hindi lang tayo ang may problema ngayon, Zabeth. Mukhang ang mga alon na dulot ng pagbabalik ni Ciara ay umabot na hanggang sa mismong pundasyon ng negosyo natin.” Mabilis ang hakbang ni Claudio habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ng opisina, nakakuyom ang mga kamao at puno ng matinding tensyon ang buong katawan. Kinabukasan na iyon matapos ang gabing puno ng lihim, sakit, at pag-amin. Bagama’t mabigat pa rin ang damdamin nila sa isa’t isa, napilitan silang ibaling muna ang atensyon sa mas mahalagang bagay ang negosyo. Nagmamadali silang pumasok sa pinakamalaking conference room kung saan naghihintay na ang kanilang mga abugado at matataas na opisyal. Nakakalat sa ibabaw ng mahabang mesa ang mga dokumento, ulat, at mga pahayag na tila naglalarawan ng isang paparating na sakuna. “Anong ibig mong sabihin?” mabilis na tanong ni Zabeth habang umuupo sa tabi ni Claudio. Ang puso niya ay nanginginig hindi lang dahil sa kanya-kanyang damdamin nila kundi dahil na rin sa nakikita ni

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 9: Gabi ng Usapan

    “Bakit ka nandito? Bakit hindi ka bumalik sa kwarto mo matapos mong makita at marinig ang lahat? Hindi ba’t sapat na ang alam mo? Hindi ba’t dapat ay masaya ka na dahil napatunayan mong tama ako na ang nakaraan ko ay laging babalik para saktan ako?” Mahina ngunit puno ng bigat ang boses ni Claudio habang nakatalikod kay Zabeth. Nakaupo ito sa sahig, nakasandal sa pader ng mahabang pasilyo, matapos ang tawag na yumanig sa buong pagkatao niya. Ang tawag na mula sa babaeng akala niya ay hindi na muling makakausap pa kailanman si Ciara. Nakatayo si Zabeth ilang hakbang ang layo, nanginginig ang mga tuhod at puno ng sakit ang dibdib. Hindi siya umalis. Kahit na alam niyang wala siyang karapatang makialam, kahit na alam niyang masasaktan lang siya lalo sa bawat sandaling mananatili siya… hindi niya nagawang umalis. Hindi niya nagawang iwanan ang lalaking ito na sa kabila ng lahat ng yaman at kapangyarihan, ay mukhang napakaiisa at napakahina sa sandaling ito. “Dahil hindi ko kayang umali

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 6: Unang Harapan sa Publiko

    “Ngayon, asawa mo na ako sa mata ng lahat, kaya huwag ka magkakamali na aalis sa tabi ko kahit isang hakbang lang. Naiintindihan mo ba, Zabeth?” Madiin at walang pasubaling ang boses ni Claudio habang inaayos ang kwelyo ng kanyang suit sa harap ng malaking salamin sa loob ng sasakyan. Nasa tapat

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 8: Ang Nakaraan ni Claudio

    “Ang babae sa litrato… siya ang dahilan kung bakit ako natutong maging ganyan kalupit, Zabeth. Siya ang dahilan kung bakit wala nang puwang ang pagmamahal sa buhay ko.” Napahinto si Zabeth sa paghakbang. Sa halip na umakyat patungo sa kanyang sariling silid, napapunta ang mga paa niya sa paanan ng

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 7: Ilusyonado

    “Huwag mong isiping may ibang kahulugan ang ginawa ko kanina, Zabeth. Ginawa ko lang ‘yun para hindi masira ang imahe natin. Huwag kang mag-ilusyon na may ibang ibig sabihin ‘yon.” Bumukas nang malakas ang pinto ng penthouse at sabay na pumasok sina Claudio at Zabeth. Tumunog nang malakas ang tako

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 5: Kasal sa Papel

    “Do you, Zabeth, take Claudio to be your lawfully wedded husband, for better or for worse, till death do you part?” Parang tinik ang bumara sa lalamunan ni Zabeth nang banggitin ng opisyal ang mga salitang iyon. Nakatayo siya sa harap ng altar, o mas tamang sabihin ay sa harap ng mahabang mesa kun

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status