Share

Kabanata 4: Pader na Bakal

Author: authorj_
last update publish date: 2026-05-02 17:56:08

“Rule Number One: Never touch my things. And never, ever, enter my room without permission.”

Malamig at walang emosyon ang boses ni Claudio habang naglalakad sila sa loob ng napakalaking penthouse. Ito ang magiging tahanan nila simula ngayon. O sa totoo lang, ito ang kulungan na kusa niyang pinasok.

Tiningnan ni Zabeth ang paligid. Moderno, mamahalin, at sobrang linis. Pero kahit gaano kaganda ang disenyo, pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang museum na bawal humawak ng kahit ano. Walang buhay. Walang init.

Tumigil si Claudio sa gitna ng sala at hinarap siya. Seryoso ang mukha nito, wala ni katiting na ngiti.

“Nandito tayo para sa isang layunin lang, Zabeth,” panimula nito, habang nakahalukipkip. “Para panatilihin ang imahe natin sa publiko. Pero sa loob ng apat na pader na ito… strangers tayo. Clear?”

Tumaas ang kilay ni Zabeth. Akala niya ba siya lang ang may pride? “Huwag kang mag-alala, Mr. Sanchez. Hindi rin ako komportable na kasama ka sa iisang bubong. Mas gugustuhin ko pang matulog sa opisina kaysa dito, kung pwede lang.”

“Good. Kasi ganoon din ako,” sagot nito nang mabilis. “Kaya para iwas gulo, ilalatag ko ang rules. Memorize mo. Obey them. Or else…”

“Or else what?” hamon niya.

“Or else I’ll make your life miserable here,” banta nito, pero may halong pang-aakit ang tingin. “Now listen carefully.”

Itinaas nito ang isang daliri.

“Una, Separate rooms. My room is on the east wing. Yours is on the west. Malayo ang layo nila sa isa’t isa. At sana, manatili na ganoon.”

“Pangalawa, Separate schedules. Kung maaari, iwasan nating magkasabay kumain o magising. I have my own life, you have yours. Walang pakikialam.”

“Pangatlo, Walang PDA o Public Display of Affection kapag wala ang camera. Kapag may tao, sweet tayo. Kapag tayo lang dalawa… act like I don’t exist.”

Napailing na lang si Zabeth. Ang daming bawal. Para silang dalawang bata na pinagbawalang maglaro nang magkasama.

“Mukhang takot ka yatang mahulog sa akin, Claudio,” pang-aasar niya para itago ang kaniyang kaba. “Kaya mo ba nilalayo ang sarili mo?”

Tumawa nang mapang-uyam si Claudio at lumapit sa kanya hanggang sa halos magdikit na sila. Hinawakan nito ang kamay niya at pinatitig sa kaniyang mata.

“Don’t flatter yourself, Zabeth,” bulong nito. “Ang iniiwasan ko ay ang gulo. You are too much drama for my taste. At ayokong madumihan ang kamay ko sa mga emosyon mo.”

Binitawan niya ito nang madiin at tumalikod. “Halika na. Ipakita ko sa’yo ang kwarto mo.”

Sinundan siya ni Zabeth papunta sa kanang bahagi ng bahay. Binuksan ni Claudio ang isang malaking pinto.

Pumasok si Zabeth at namangha kahit ayaw niya. Malawak ang kwarto, may sariling CR at walk-in closet. Puno na rin ng mga gamit at damit na mukhang bagong bili.

“Everything you need is here,” sabi ni Claudio mula sa pinto. “May sarili ka ring entrance para kung gusto mong umalis o umuwi, hindi mo na kailangang dumaan sa sala. Para iwas abala.”

Parang sinasabi nito na huwag kang magpapakita sa akin kung hindi kailangan.

“Thanks,” maikling sagot niya. “Sapat na ito para makalanghap ako ng hangin na walang amoy ng kayabangan mo.”

Hindi na ito sumagot at sumara na lang ang pinto.

Sa wakas, nag-iisa na siya.

Napabuntong-hininga siya at napahiga sa malambot na kama. Tiningnan niya ang kisame. Ano na bang nangyayari sa buhay niya? Kahapon, CEO pa siya ng sarili niyang mundo. Ngayon, isa na lang siyang ari-arian sa kontrata.

Dahil hindi siya makatulog at hindi komportable, nagpasya siyang libutin ang bahay. Tahimik, madilim, at puro lamang ang ilaw mula sa mga street lights sa labas ang nagbibigay liwanag.

Habang naglalakad siya sa hallway, napansin niya ang isang pinto na bahagyang nakabukas. Ang kwarto siguro ni Claudio.

Nagdalawang-isip siya. Bawal pumasok. Rule Number One nga pala.

Pero ang kuryosidad ay nanalo. Dahan-dahan siyang lumapit at sumilip. Madilim sa loob, pero nakita niya ang anino ng lalaking nakatayo malapit sa bintana. Naka-shirt lang ito at shorts, at tila malalim ang iniisip habang nakatingin sa city lights.

Magkaiba sila ng mundo. Siya, puno ng apoy at damdamin. Siya, yelo at bakal.

Biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong bahay.

Buzzzzz!

Kumidlat at biglang bumagsak ang malakas na ulan. Brownout.

“Anong nangyari?” bulong ni Zabeth. Sa dilim, hindi niya makita ang dinadaanan niya. Napaatras siya at nabangga ang isang vase.

KRAK!

“Who’s there?” malakas na tanong ni Claudio mula sa loob ng kwarto niya.

“Ako!” sagot ni Zabeth, habang kinakapa ang pader para makabalik sa kwarto niya. “Brownout! Wala akong makita!”

Narinig niya ang mabibigat na hakbang. Maya-maya, naramdaman niya ang init ng katawan sa harap niya. May sumindi ng flashlight galing sa cellphone.

Tumambad sa kanya ang mukha ni Claudio. Basang-basa ang buhok nito dahil sa ulan na tumatama sa bintana, at kitang-kita ang hugis ng dibdib nito sa ilalim ng manipis na damit.

“Bakit ka pa gumagala?” iritadong tanong nito, pero hindi niya mabasa kung galit ba ito o nag-aalala.

“Naglalakad lang ako! Hindi ko alam na mamamatay ang kuryente!” depensa niya.

Dahil madulas ang sahig at malakas ang pag yanig ng bahay dahil sa hangin, napaluhod si Zabeth at muntik nang matumba. Mabilis na sumalo si Claudio sa bewang niya.

Natigilan silang dalawa.

Nasa bisig na niya siya. Napakalapit ng mga mukha nila. Ramdam ni Zabeth ang bilis ng tibok ng puso niya—o baka puso ni Claudio? Hindi niya alam. Ang dilim, ang kulog, at ang init ng hawak nito ay gumagawa ng kakaibang epekto sa kanya.

“Careful, Mrs. Sanchez,” bulong ni Claudio. Ang boses nito ay mababa at dumadagundong sa katahimikan. “Baka masaktan ka pa. Sayang naman ang investment ko.”

Pilit na itinulak ni Zabeth ang dibdib nito. “Bitawan mo ako! Kaya ko ang sarili ko!”

Pero imbis na bitawan siya, mas hinigpitan pa ni Claudio ang hawak sa bewang niya. Itinukod nito ang kabilang kamay sa pader sa likuran niya, naipit siya sa pagitan ng braso nito at ng dingding ang tinatawag na kabedon.

Naningkit ang mga mata ni Claudio habang tinititigan ang labi niya.

“Sabi ko sa’yo…” bulong nito, habang unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha niya.

“...may rules tayo.”

Naningkit ang mga mata ni Zabeth. Ramdam niya ang hininga nito sa pisngi niya. “Alam ko. So step back.”

“Pero…” dagdag ni Claudio, at nakita niya ang pagbabago sa ekspresyon nito. Mula sa pagiging seryoso, may lumabas na pilyong ngisi.

“...mukhang mahirap sundin ang rules kapag ganito tayo kalapit, ‘no?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 11: Ang Pagdating ng Nakaraan

    “Hindi sapat ang mga salita at halik sa harap ng kamera, Claudio. Dahil narito na ako… at ngayon, makikita na natin kung sino talaga ang pipiliin mo sa huli.” Nanigas ang buong katawan ni Zabeth habang nakatayo sa may pasukan ng malaking silid-tulugan ni Claudio. Sa kanyang harapan, sa pagitan niya at ng lalaking itinuturing niyang asawa, ay nakatayo ang isang babae maganda, maputi, at may mga matang puno ng pamilyar na ningning na matagal na niyang nakikita lamang sa mga lumang litrato. Si Ciara. Ang babaeng dahilan ng lahat. Ang babaeng akala niya ay bahagi na lang ng nakaraan, pero narito ngayon, nakatayo nang may kumpiyansa at hawak ang bawat hibla ng damdamin ni Claudio. Galing sila pareho sa press conference kanina, kung saan ipinakita ni Claudio ang matinding pagmamahal at debosyon sa kanya. Ipinagmalaki siya nito sa buong mundo. Hinalikan siya nito na parang siya lang ang tanging babae sa buhay nito. Pero sa sandaling bumukas ang pinto at tumambad ang babaeng ito… parang g

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 10: Panganib sa Kumpanya

    “Hindi lang tayo ang may problema ngayon, Zabeth. Mukhang ang mga alon na dulot ng pagbabalik ni Ciara ay umabot na hanggang sa mismong pundasyon ng negosyo natin.” Mabilis ang hakbang ni Claudio habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ng opisina, nakakuyom ang mga kamao at puno ng matinding tensyon ang buong katawan. Kinabukasan na iyon matapos ang gabing puno ng lihim, sakit, at pag-amin. Bagama’t mabigat pa rin ang damdamin nila sa isa’t isa, napilitan silang ibaling muna ang atensyon sa mas mahalagang bagay ang negosyo. Nagmamadali silang pumasok sa pinakamalaking conference room kung saan naghihintay na ang kanilang mga abugado at matataas na opisyal. Nakakalat sa ibabaw ng mahabang mesa ang mga dokumento, ulat, at mga pahayag na tila naglalarawan ng isang paparating na sakuna. “Anong ibig mong sabihin?” mabilis na tanong ni Zabeth habang umuupo sa tabi ni Claudio. Ang puso niya ay nanginginig hindi lang dahil sa kanya-kanyang damdamin nila kundi dahil na rin sa nakikita ni

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 9: Gabi ng Usapan

    “Bakit ka nandito? Bakit hindi ka bumalik sa kwarto mo matapos mong makita at marinig ang lahat? Hindi ba’t sapat na ang alam mo? Hindi ba’t dapat ay masaya ka na dahil napatunayan mong tama ako na ang nakaraan ko ay laging babalik para saktan ako?” Mahina ngunit puno ng bigat ang boses ni Claudio habang nakatalikod kay Zabeth. Nakaupo ito sa sahig, nakasandal sa pader ng mahabang pasilyo, matapos ang tawag na yumanig sa buong pagkatao niya. Ang tawag na mula sa babaeng akala niya ay hindi na muling makakausap pa kailanman si Ciara. Nakatayo si Zabeth ilang hakbang ang layo, nanginginig ang mga tuhod at puno ng sakit ang dibdib. Hindi siya umalis. Kahit na alam niyang wala siyang karapatang makialam, kahit na alam niyang masasaktan lang siya lalo sa bawat sandaling mananatili siya… hindi niya nagawang umalis. Hindi niya nagawang iwanan ang lalaking ito na sa kabila ng lahat ng yaman at kapangyarihan, ay mukhang napakaiisa at napakahina sa sandaling ito. “Dahil hindi ko kayang umali

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 8: Ang Nakaraan ni Claudio

    “Ang babae sa litrato… siya ang dahilan kung bakit ako natutong maging ganyan kalupit, Zabeth. Siya ang dahilan kung bakit wala nang puwang ang pagmamahal sa buhay ko.” Napahinto si Zabeth sa paghakbang. Sa halip na umakyat patungo sa kanyang sariling silid, napapunta ang mga paa niya sa paanan ng hagdan kung saan nakatayo pa rin si Claudio. Kahit nakatalikod ito, ramdam ni Zabeth ang bigat ng bawat salitang binitiwan nito. Ang boses nito ay hindi na puno ng galit gaya ng kanina, kundi puno ng isang kirot na matagal na nitong kinikimkim sa loob ng mahabang panahon. Dahan-dahang lumingon si Claudio. Ang mukha nito ay seryoso, walang bahid ng dating pang-aasar o kayabangan. Sa halip, nakita ni Zabeth ang lalaking nakatago sa likod ng matibay na pader na matagal na nitong itinatayo isang lalaking sugatan, nag-iisa, at puno ng pangungulila. “Sinabi ko sa’yo kanina na huwag mong himayin ang nakaraan ko,” panimula nito, mababa at paos ang boses habang dahan-dahang patungo pabalik sa kina

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 7: Ilusyonado

    “Huwag mong isiping may ibang kahulugan ang ginawa ko kanina, Zabeth. Ginawa ko lang ‘yun para hindi masira ang imahe natin. Huwag kang mag-ilusyon na may ibang ibig sabihin ‘yon.” Bumukas nang malakas ang pinto ng penthouse at sabay na pumasok sina Claudio at Zabeth. Tumunog nang malakas ang takong ng sapatos ni Zabeth sa makintab na sahig habang naglalakad siya nang mabilis papunta sa gitna ng sala. Puno ng galit at pagkayamot ang bawat kilos niya. Ang mga salitang binitiwan ni Claudio pagkarating lang nila ay parang tubig na ibinuhos sa apoy ng damdaming nabubuo sa kanya kanina pa. Humarap siya rito, nanginginig ang mga kamay at nagniningning ang mga mata dahil sa halo-halong emosyon galit, pagkadismaya, at isang kirot na hindi niya maipaliwanag. “Imahe lang ba talaga?” balik niya, mataas ang tono, hindi na nagpipigil ng damdamin. “Iyon lang ba talaga, Claudio? Ang lahat ng sinabi mo, ang lahat ng ginawa mo kanina sa harap ng mga tao… proteksyon lang ba para sa kontrata natin?”

  • CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL   Kabanata 6: Unang Harapan sa Publiko

    “Ngayon, asawa mo na ako sa mata ng lahat, kaya huwag ka magkakamali na aalis sa tabi ko kahit isang hakbang lang. Naiintindihan mo ba, Zabeth?” Madiin at walang pasubaling ang boses ni Claudio habang inaayos ang kwelyo ng kanyang suit sa harap ng malaking salamin sa loob ng sasakyan. Nasa tapat na sila ng malaking hotel kung saan gaganapin ang taunang Business Excellence Gala ang kauna-unahang pagpapakita nila bilang mag-asawa sa harap ng buong lipunan at mga kasamahan sa industriya. Nakaupo si Zabeth sa kabilang panig, suot ang isang mahabang pulang damit na humahalik sa sahig, ang buhok ay maayos na nakapusod, at puno ng mamahaling alahas na galing pa mismo sa pera ni Claudio. Tiningnan niya ang repleksyon nito sa salamin, puno ng pagkayamot pero pinipilit na maging kalmado. “Alam ko naman ang trabaho ko, Claudio,” sagot niya nang matigas habang inaayos ang kanyang hikaw. “Hindi mo kailangang paalalahanan ako nang paulit-ulit. Sanay akong humarap sa tao. Sanay akong magpangga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status