FAZER LOGIN
“This meeting is adjourned. We are sorry, Ms. Mercado, but we cannot take the risk.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong pagkatao ni Zabeth Mercado nang banggitin iyon ng Chairman ng Board of Investors. Ang mga salitang iyon ay ang hatol na ikababagsak ng kumpanyang na ipinundar ng kanyang ama ng mahabang panahon at alam niya na dugo't pawis ang inilaan ng kaniyang ama upang maitaguyod at makilala ang kanilang kumpanya. Habang siya ay nakatayo sa harap ng mahabang mesa, at hawak ang folder na naglalaman ng pinakahuling proposal nila. Sa loob ng dalawang oras, ibinigay niya lahat ang kanyang galing, talino, at ang huling baraha na natitira sa kanya. Ngunit kahit binuhos niya lahat ng kaniyang galing at anong gawin niya, ay tila manhid ang mga taong nakaharap sa kanya. “With all due respect, Sir,” pagsagot niya, habang pinipigilan niya ang panginginig ng kaniyang boses. Nanatiling tuwid ang kanyang tindig, matigas ang ekspresyon ng mukha. “Ipinakita ko sa inyo ang projections. Stable ang numbers. Kailangan lang namin ng capital para masimulan ang project. Kapag nakuha namin ito, hindi lang kami ang aangat, pati ang inyong investment ay dodoble sa loob ng isang taon paliwanag niya sa mga ito.” Ngumisi nang mapang-uyam ang isa sa mga investors. “Numbers can be manipulated, Zabeth. Ang hinahanap namin ay stability. At ngayon, ang tingin namin sa Mercado Inc. ay isang liability, hindi asset.” Napakuyom ang kanyang mga kamao sa ilalim ng mesa. Gusto niyang sigawan sila, ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Gusto niyang sabihin na hindi lang ito basta negosyo, ito ang pamana ng kanyang ama. Pero alam niyang walang mangyayari sa emosyon. Sa mundo ng negosyo, kahinaan ang pagpapakita ng damdamin. “Kung hindi kami bibigyan ng chance, malulugi ang kumpanya,” at marami sa aming mga empleyado ang nawawalan ng trabaho paano nalang ang kani-kanilang pamilya,diretsahan niyang sabi. “Alam ninyong maraming empleyado ang umaasa ng trabaho sa kumpanya kapag nangyari iyon paano nalang sila.” “Business is business, Zabeth,” malamig na sagot ng Chairman. “Kung hindi kayo makakabangon, may iba na handang pumalit at gawin ang trabaho nang mas maayos, handang tugunan ang lahat ng pagkukulang ng kumpanya niyo.” At doon na tuluyang gumuho ang pag-asa niya, Na parang nawala lahat ng pinaghirapan ng kaniyang ama upang maitaguyod ang kanilang kumpanya. “Sino?” tanong niya, bagama’t alam na niya ang sagot, Sa kaniyang tanong. Ang Chairman ay tumingin sa kanya nang seryoso. “Ang kontrata ay iginawad na sa Sanchez Group.” Isa sa kalabang kompanya nila. Parang tinamaan ng kidlat si Zabeth. Sanchez Group. Ang kumpanyang pinamumunuan ng lalaking kinamumuhian niya sa buong mundo. Si Claudio Sanchez. Ang taong hindi niya mapatawad dahil sa paniniwalang siya ang dahilan kung bakit dahan-dahang bumabagsak ang negosyo nila at Isa sa kompanyang nagpalubog ng pinundar ng kaniyang ama. “Kayo… ibibigay niyo ito sa kanila?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Kahit alam niyong mas maganda ang quality ng serbisyo namin?” “Dahil mas malakas sila. Mas may tiwala ang merkado sa kanila,” simpleng sagot nito. “At higit sa lahat… may image sila. Solid. Walang kina-kalawang. Samantalang kayo…” Hindi na tinapos ang sasabihin nito, pero sapat na ang tingin nito para maintindihan ni Zabeth ang gusto ipahiwatig sakaniya. Dahan-dahang isinara ni Zabeth ang kanyang folder. Walang saysay pang makipagtalo. Kapag tapos na ang desisyon, tapos na. Tumango siya, puno ng dignidad kahit durog na durog na ang loob niya. “Salamat sa oras ninyo, mga ginoo.” Humarap siya at lumabas ng conference room nang hindi lumilingon. Naririnig pa niya ang bulungan sa likuran niya, pero hindi niya iyon pinansin at umalis ng may dignidad sa sarili. Diretso ang lakad niya papunta sa elevator, hanggang sa makarating siya sa kanyang opisina. Pagpasok niya, isinara niya ang pinto at padabog na ibinagsak ang folder sa mesa. Sa wakas, nang wala nang nakatingin, hinayaan niyang bumagsak ang kanyang balikat. Napahiga siya sa kanyang swivel chair at tumitig sa kisame na tila ay nag isip ng malalim. Natalo na naman ako, Pa. bulong niya sa isip. Ginawa ko na ang lahat. Pero parang ang hirap-hirap talagang makipagsabayan. Alam niyang hindi lang ito simpleng pagkatalo. Kapag lumabas ang balitang nawala ang major contract na ito, babagsak ang stocks ng kumpanya. Maghihinala ang mga partners, at sa loob ng ilang buwan, posibleng tuluyan nang magsara ang Mercado Inc. Paano nalang ang lahat ng sakripisyo at hirap para maitaguyod ang kumpanya. Tumayo siya at lumapit sa malaking salamin sa dingding. Tinitigan niya ang repleksyon niya. Babae siya, bata pa, at marami ang nakatingin sa kanya na parang hindi siya karapat-dapat na humawak ng malaking negosyo. Pinatunayan lang ngayon na tama ang hinala nila. Pero hindi pwedeng ganito na lang, Dapat may gawin ako. Hindi siya pinalaking susuko lang. Ang ama niya ay naghirap para maitayo iyon, at hindi niya hahayaang mawala lang ito dahil lang sa mas malakas ang kalaban. Kailangan niya ng plano. Kailangan niya ng paraan para makuha ulit ang tiwala ng mga investors. Kailangan niya ng stability gaya ng sinabi nila. Isang imahe na hindi matitinag. Biglang pumasok sa isip niya ang pangalan ni Claudio Sanchez. Ang taong may hawak ngayon ng lahat ng gusto niya. Ang taong matagal na niyang sinusubukang talunin, pero sa tuwing lumalaban siya, parang lalo lang siyang nauunahan nito. Isang nakakabaliw na ideya ang pumasok sa isip niya. Isang ideya na sobrang delikado, sobrang kabaliwan, at labag sa lahat ng prinsipyo niya. Pero sa oras na ito, wala na siyang choice. Kung hindi siya makikipagsabayan, lalamunin siya ng sistema. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang sekretarya. “Ms. Mercado?” “Ikansel mo lahat ng schedule ko para sa natitirang bahagi ng araw, meron tayo mahalagang lalakarin” utos niya, na may matigas na boses. “Po? Eh may meeting pa po tayo sa ibang investors” “Wala akong pakialam. Ikansel mo lahat,” putol niya. Tumingin siya sa labas ng bintana, kung saan makikita ang pinakamataas na gusali sa siyudad ang Sanchez Tower. Ang teritoryo ng kaniyang kaaway. “At isa pa,” dagdag niya, habang unti-unting namumuo ang determinasyon sa kanyang mga mata. “Maghanda ka. Pupunta tayo sa lugar ng mga kalaban sa negosyo.”“Akala niyo ba hanggang dito lang ang kaya ko? Akala niyo ba dahil mahal ko kayo noon… hahayaan ko na lang kayong wasakin ang lahat at magtago sa likod ng mga kasinungalingan niyo? Nagkamali kayo… dahil ngayon, ako na ang hahatol sa inyo.” Umugong ang boses ni Claudio sa buong silid, matalim, puno ng galit, at walang bahid ng dating kahinaan at pagkalito. Ang bawat salita ay parang kidlat na tumama kina Ciara at Mr. Rogelio, na sa sandaling iyon ay biglang nawalan ng kulay ang mga mukha at kumpyansa. Ang pananalig nilang hawak nila ang lahat at madali nilang mapapaikot si Claudio ay biglang gumuho na parang bahay na gawa sa buhanginan. Napahakbang palayo si Ciara, nanginginig ang mga tuhod habang nakatitig sa mga dokumentong nakakalat na ngayon sa ibabaw ng mesa mga dokumentong naglalaman ng lahat ng ebidensya laban sa kanila, mga bagay na akala nila ay nakatago at kontrolado nila habambuhay. “P-paanong… paanong nakuha niyo ang mga ito?” nauutal na tanong ni Ciara, pilit pa ring na
“Hindi lahat ng nakasulat ay totoo, Claudio. At hindi lahat ng nakaraan ay kung paano mo ito naaalala. Ang katotohanan… ay mas madilim pa kaysa sa inaakala mo.” Nakatayo si Claudio sa tapat ng malaking bintana ng kanyang opisina, nakatanaw sa abalang siyudad sa ibaba. Madilim pa rin ang kanyang paningin, mabigat ang bawat paghinga, at puno ng pait ang kanyang puso matapos ang desisyong ginawa niya ang desisyong isakripisyo ang sarili at ang pagmamahal nila ni Zabeth, kapalit ng kaligtasan nito at ng lahat ng kanilang pinaghirapan. Hawak niya ang kanyang telepono, handa nang tumawag kay Ciara at sabihing pumapayag na siya sa lahat ng kondisyon nito, nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Pumasok si Zabeth, hinihingal, magulo ang buhok, at may hawak na makakapal na mga dokumento at mga lumang talaan. Sa likuran nito ay ang matandang abugado na matagal nang tapat sa pamilya nina Sanchez, si Attorney Manalo. Ang mukha ni Zabeth ay seryoso, matatag, at puno ng kumpyansa isang mukha
“Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang lahat ng nakasulat dito, Claudio. Sabihin mo sa akin na wala kang itinatagong kasalanan o lihim na makasisira sa atin. Dahil kung totoo ang lahat ng ito… wala na tayong laban.” Nanginginig ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Zabeth habang hawak niya ang kopya ng mga dokumentong iniwan ni Ciara. Nakatayo siya sa gitna ng silid, nakaharap kay Claudio na nanatiling nakayuko at hindi makatingin nang diretso sa kanya. Ang katahimikan sa pagitan nila ay mas nakakabingi pa sa anumang sigawan, at ang bigat ng katotohanan ay tila dumadagan sa kanilang dalawa. Matapos umalis ni Ciara, nanatili pa rin sa hangin ang banta nito. Ang bawat pahina ng dokumento ay naglalaman ng mga detalye mga transaksyon, mga kasunduan, at mga impormasyon na nagpapatunay na noong mga panahong nagsisimula pa lamang si Claudio, gumamit ito ng mga paraang hindi tumpak sa batas at moralidad para lang umasenso at maitatag ang Sanchez Group. Ang mga bagay na akala nito ay ibaon
“Hindi sapat ang mga salita at halik sa harap ng kamera, Claudio. Dahil narito na ako… at ngayon, makikita na natin kung sino talaga ang pipiliin mo sa huli.” Nanigas ang buong katawan ni Zabeth habang nakatayo sa may pasukan ng malaking silid-tulugan ni Claudio. Sa kanyang harapan, sa pagitan niya at ng lalaking itinuturing niyang asawa, ay nakatayo ang isang babae maganda, maputi, at may mga matang puno ng pamilyar na ningning na matagal na niyang nakikita lamang sa mga lumang litrato. Si Ciara. Ang babaeng dahilan ng lahat. Ang babaeng akala niya ay bahagi na lang ng nakaraan, pero narito ngayon, nakatayo nang may kumpiyansa at hawak ang bawat hibla ng damdamin ni Claudio. Galing sila pareho sa press conference kanina, kung saan ipinakita ni Claudio ang matinding pagmamahal at debosyon sa kanya. Ipinagmalaki siya nito sa buong mundo. Hinalikan siya nito na parang siya lang ang tanging babae sa buhay nito. Pero sa sandaling bumukas ang pinto at tumambad ang babaeng ito… parang g
“Hindi lang tayo ang may problema ngayon, Zabeth. Mukhang ang mga alon na dulot ng pagbabalik ni Ciara ay umabot na hanggang sa mismong pundasyon ng negosyo natin.” Mabilis ang hakbang ni Claudio habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ng opisina, nakakuyom ang mga kamao at puno ng matinding tensyon ang buong katawan. Kinabukasan na iyon matapos ang gabing puno ng lihim, sakit, at pag-amin. Bagama’t mabigat pa rin ang damdamin nila sa isa’t isa, napilitan silang ibaling muna ang atensyon sa mas mahalagang bagay ang negosyo. Nagmamadali silang pumasok sa pinakamalaking conference room kung saan naghihintay na ang kanilang mga abugado at matataas na opisyal. Nakakalat sa ibabaw ng mahabang mesa ang mga dokumento, ulat, at mga pahayag na tila naglalarawan ng isang paparating na sakuna. “Anong ibig mong sabihin?” mabilis na tanong ni Zabeth habang umuupo sa tabi ni Claudio. Ang puso niya ay nanginginig hindi lang dahil sa kanya-kanyang damdamin nila kundi dahil na rin sa nakikita ni
“Bakit ka nandito? Bakit hindi ka bumalik sa kwarto mo matapos mong makita at marinig ang lahat? Hindi ba’t sapat na ang alam mo? Hindi ba’t dapat ay masaya ka na dahil napatunayan mong tama ako na ang nakaraan ko ay laging babalik para saktan ako?” Mahina ngunit puno ng bigat ang boses ni Claudio habang nakatalikod kay Zabeth. Nakaupo ito sa sahig, nakasandal sa pader ng mahabang pasilyo, matapos ang tawag na yumanig sa buong pagkatao niya. Ang tawag na mula sa babaeng akala niya ay hindi na muling makakausap pa kailanman si Ciara. Nakatayo si Zabeth ilang hakbang ang layo, nanginginig ang mga tuhod at puno ng sakit ang dibdib. Hindi siya umalis. Kahit na alam niyang wala siyang karapatang makialam, kahit na alam niyang masasaktan lang siya lalo sa bawat sandaling mananatili siya… hindi niya nagawang umalis. Hindi niya nagawang iwanan ang lalaking ito na sa kabila ng lahat ng yaman at kapangyarihan, ay mukhang napakaiisa at napakahina sa sandaling ito. “Dahil hindi ko kayang umali
“Ang babae sa litrato… siya ang dahilan kung bakit ako natutong maging ganyan kalupit, Zabeth. Siya ang dahilan kung bakit wala nang puwang ang pagmamahal sa buhay ko.” Napahinto si Zabeth sa paghakbang. Sa halip na umakyat patungo sa kanyang sariling silid, napapunta ang mga paa niya sa paanan ng
“Huwag mong isiping may ibang kahulugan ang ginawa ko kanina, Zabeth. Ginawa ko lang ‘yun para hindi masira ang imahe natin. Huwag kang mag-ilusyon na may ibang ibig sabihin ‘yon.” Bumukas nang malakas ang pinto ng penthouse at sabay na pumasok sina Claudio at Zabeth. Tumunog nang malakas ang tako
“Ngayon, asawa mo na ako sa mata ng lahat, kaya huwag ka magkakamali na aalis sa tabi ko kahit isang hakbang lang. Naiintindihan mo ba, Zabeth?” Madiin at walang pasubaling ang boses ni Claudio habang inaayos ang kwelyo ng kanyang suit sa harap ng malaking salamin sa loob ng sasakyan. Nasa tapat
“Do you, Zabeth, take Claudio to be your lawfully wedded husband, for better or for worse, till death do you part?” Parang tinik ang bumara sa lalamunan ni Zabeth nang banggitin ng opisyal ang mga salitang iyon. Nakatayo siya sa harap ng altar, o mas tamang sabihin ay sa harap ng mahabang mesa kun







