LOGIN“You have five minutes, Ms. Mercado. Make it worth my time.”
Parang malamig na boses ang bumabasag sa katahimikan ng malaking opisina. Malamig, matigas, at puno ng awtoridad. Nakatayo si Zabeth sa tapat ng napakalaking mesa na gawa sa itim na marmol. Sa kabilang dulo nito, nakaupo si Claudio Sanchez, nakasandal sa kanyang upuan, at nakahalukipkip. Tinitigan siya nito gamit ang mga matang tila nakakabasa ng bawat lihim na itinatago niya. Sa loob ng maraming taon, ito ang lalaking itinuring niyang kaaway. Ang taong laging nauuna sa lahat ng karera. Ang dahilan kung bakit gabi-gabi siyang puyat kakaisip ng estratehiya. At ngayon, nasa teritoryo siya mismo ng leon. Hindi siya nagpatinag. Humakbang siya palapit hanggang sa makarating sa harap ng mesa. Tinitigan niya ito nang diretso sa mata na tila walang kaba. “Hindi ko kailangan ng limang minuto, Mr. Sanchez,” sagot niya, matigas din ang boses. “Kailangan ko lang ng isang segundo para masabi sa’yo na mali ang desisyon ninyong kunin ang kontrata na dapat ay sa amin dahil kami ang naghirap para dun.” Tumaas ang isang kilay ni Claudio. Dahan-dahan itong tumayo. Mataas ito, maskulado, at ang presensya nito ay sapat na para patahimikin ang buong kwarto. Lumapit ito sa kanya hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan nila. Ramdam ni Zabeth ang init ng katawan nito at ang matapang na amoy ng cologne nito. “Sa inyo?” pang-uuyam nito. “Last time I checked, Zabeth, the contract goes to the company who can deliver results. And right now… your company is drowning. While mine is soaring.” “Dahil tinatapakan mo ang iba para umangat!” matapang na sagot niya. “Ginagamit mo ang lakas at pera mo para takutin ang mga investors at partners namin! Alam kong ikaw ang nasa likod ng mga problema namin nitong mga nakaraang buwan!” Tumawa nang mahina si Claudio, pero walang halong saya ang tawa nito. Mas lalo lang nitong pinainit ang ulo ni Zabeth. “Accusations. Accusations everywhere,” sabi nito sabay lingon sa malaking salamin kung saan makikita ang buong siyudad. “In business, Zabeth, survival of the fittest. Kung mahina ka, lalamunin ka. Huwag mong sisihin ang iba dahil mas magaling lang sila sa’yo.” “Hindi ako mahina!” mariin niyang tanggi. “Kailangan ko lang ng pagkakataon. At kung hindi dahil sa mga patibong mo” “Wala akong oras makipag-away sa ego mo,” putol nito at binalikan siya ng tingin. “Bakit ka nandito? Para magreklamo? O para humingi ng awa?” Napakuyom ang mga palad ni Zabeth. Gusto niyang isigaw kung gaano niya ito kinamumuhian. Gusto niyang sabihin na hinding-hindi siya hihingi ng awa sa taong katulad nito. Pero naalala niya ang sitwasyon ng kumpanya. Naalala niya ang mga empleyadong umaasa sa kanya. Kailangan niyang lunukin ang pride niya. Kahit gaano pa ito kasakit. “Hindi ako nandito para makipag-away, Claudio,” panimula niya, pinipilit na maging kalmado kahit nagninigid na ang dugo sa ugat sa leeg niya. “Nandito ako para pag-usapan ang isang bagay na makikinabang tayong dalawa.” Umupo ulit si Claudio at sumandal, tila naghihintay. “Go on. I’m listening.” “Alam kong nakuha niyo na ang approval mula sa investors,” sabi ni Zabeth habang dahan-dahang umuupo sa silyang kaharap nito. “Pero alam ko ring may problema kayo sa local partnership requirements. Hindi niyo pwedeng simulan ang proyekto nang walang malakas na koneksyon dito sa bansa. At sino pa ang may pinakamagandang network kundi kami?” Nanliit ang mga mata ni Claudio. Kitang-kita ni Zabeth na tinatamaan ito sa sinabi niya. Totoo iyon. Ang Sanchez Group ay malakas sa international market, pero sa local laws at connections, mas lamang ang Mercado Inc. “So?” maikling tanong nito. “Pagsamahin natin ang lakas,” suhestiyon niya. “Bigyan mo ako ng parte sa kontrata. Ibibigay ko sa’yo ang access sa lahat ng resources at connections namin. Mananalo tayong dalawa sinisigurado ko sayo.” Umiling si Claudio at tumawa nang mapang-uyam. “You must be joking. Bakit ko gagawin iyon? Nasa akin na ang lahat. Kailangan ko lang bumili ng maliit na kumpanya para mapunan ang kulang ko. Bakit ikaw pa?” “Dahil kilala ako sa industriya,” mabilis na sagot ni Zabeth. “Dahil kung ako ang makakasama mo, hindi lang basta partnership ang makikita nila. Makikita nila ang unity. At higit sa lahat… dahil alam mong magaling ako. Mas magaling ako sa mga empleyado mo.” Hindi sumagot si Claudio. Tinitigan lang siya nito nang matagal. Ang bigat ng tingin nito ay parang dinudurog ang bawat buto niya. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila nag halo ang galit, kompetisyon, at kakaibang kuryente na hindi niya maipaliwanag. “Matapang,” bulong ni Claudio. “Kahit nasa gilid na ng bangin ang kumpanya mo, ang taas pa rin ng pride mo.” “Kaya ako nandito, ‘di ba?” balik niya. “Para iligtas ang kung ano ang sa akin. At para bigyan ka ng pagkakataong maging mas matagumpay.” Biglang tumayo si Claudio at lumapit sa kanya. Hindi siya umatras kahit sobrang lapit na nito sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, tila sinusuri kung seryoso ba siya o nagloloko lang. “You really want a piece of this deal that bad?” tanong nito nang mahina, malapit sa mukha niya. “Gagawin ko ang lahat,” sagot ni Zabeth nang walang pag-aalinlangan. Nakita ni Zabeth kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Claudio. Mula sa pagiging seryoso, bigla itong ngumisi isang ngising alam niyang may masamang balak. “Everything?” tanong ulit nito. “Everything.” Dahan-dahang inilapit ni Claudio ang mukha sa tenga niya, dahilan para kuminang ang mga mata nito sa isang ideyang biglang pumasok sa isip niya. “Then maybe… we shouldn’t just talk about partnership, Zabeth,” bulong nito, nakakapanginig ang boses. Napaatras nang bahagya si Zabeth at tiningnan ito nang nagtataka. “Anong ibig mong sabihin?” Tumalikod si Claudio at bumalik sa kanyang mesa. Kinuha nito ang isang folder at binuksan. “May paraan para makuha mo ang gusto mo. Para mailigtas mo ang kumpanya mo. At para maging kami ang pinakamalakas na pwersa sa buong industriya,” sabi nito nang seryoso. “Ano ‘yon?” hindi na makapaghintay na tanong ni Zabeth. Tumingin si Claudio sa kanya, at sa unang pagkakataon, nakita ni Zabeth ang kislap ng isang plano na sigurado siyang babago sa buong buhay niya. “Instead of just merging resources…” panimula ni Claudio, dahan-dahan at sadyang pinapatagal ang bawat salita. “...Why don’t we merge our lives completely?” Natigilan si Zabeth. Hindi niya agad naintindihan. “Anong… anong ibig mong sabihin?” Tumayo ulit si Claudio at lumapit sa kanya, hawak ang isang dokumento. “Magpakasal tayo, Zabeth,” sabi nito nang diretsahan, walang halong biro. “Ikakasal ka sa akin.”“Hindi sapat ang mga salita at halik sa harap ng kamera, Claudio. Dahil narito na ako… at ngayon, makikita na natin kung sino talaga ang pipiliin mo sa huli.” Nanigas ang buong katawan ni Zabeth habang nakatayo sa may pasukan ng malaking silid-tulugan ni Claudio. Sa kanyang harapan, sa pagitan niya at ng lalaking itinuturing niyang asawa, ay nakatayo ang isang babae maganda, maputi, at may mga matang puno ng pamilyar na ningning na matagal na niyang nakikita lamang sa mga lumang litrato. Si Ciara. Ang babaeng dahilan ng lahat. Ang babaeng akala niya ay bahagi na lang ng nakaraan, pero narito ngayon, nakatayo nang may kumpiyansa at hawak ang bawat hibla ng damdamin ni Claudio. Galing sila pareho sa press conference kanina, kung saan ipinakita ni Claudio ang matinding pagmamahal at debosyon sa kanya. Ipinagmalaki siya nito sa buong mundo. Hinalikan siya nito na parang siya lang ang tanging babae sa buhay nito. Pero sa sandaling bumukas ang pinto at tumambad ang babaeng ito… parang g
“Hindi lang tayo ang may problema ngayon, Zabeth. Mukhang ang mga alon na dulot ng pagbabalik ni Ciara ay umabot na hanggang sa mismong pundasyon ng negosyo natin.” Mabilis ang hakbang ni Claudio habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ng opisina, nakakuyom ang mga kamao at puno ng matinding tensyon ang buong katawan. Kinabukasan na iyon matapos ang gabing puno ng lihim, sakit, at pag-amin. Bagama’t mabigat pa rin ang damdamin nila sa isa’t isa, napilitan silang ibaling muna ang atensyon sa mas mahalagang bagay ang negosyo. Nagmamadali silang pumasok sa pinakamalaking conference room kung saan naghihintay na ang kanilang mga abugado at matataas na opisyal. Nakakalat sa ibabaw ng mahabang mesa ang mga dokumento, ulat, at mga pahayag na tila naglalarawan ng isang paparating na sakuna. “Anong ibig mong sabihin?” mabilis na tanong ni Zabeth habang umuupo sa tabi ni Claudio. Ang puso niya ay nanginginig hindi lang dahil sa kanya-kanyang damdamin nila kundi dahil na rin sa nakikita ni
“Bakit ka nandito? Bakit hindi ka bumalik sa kwarto mo matapos mong makita at marinig ang lahat? Hindi ba’t sapat na ang alam mo? Hindi ba’t dapat ay masaya ka na dahil napatunayan mong tama ako na ang nakaraan ko ay laging babalik para saktan ako?” Mahina ngunit puno ng bigat ang boses ni Claudio habang nakatalikod kay Zabeth. Nakaupo ito sa sahig, nakasandal sa pader ng mahabang pasilyo, matapos ang tawag na yumanig sa buong pagkatao niya. Ang tawag na mula sa babaeng akala niya ay hindi na muling makakausap pa kailanman si Ciara. Nakatayo si Zabeth ilang hakbang ang layo, nanginginig ang mga tuhod at puno ng sakit ang dibdib. Hindi siya umalis. Kahit na alam niyang wala siyang karapatang makialam, kahit na alam niyang masasaktan lang siya lalo sa bawat sandaling mananatili siya… hindi niya nagawang umalis. Hindi niya nagawang iwanan ang lalaking ito na sa kabila ng lahat ng yaman at kapangyarihan, ay mukhang napakaiisa at napakahina sa sandaling ito. “Dahil hindi ko kayang umali
“Ang babae sa litrato… siya ang dahilan kung bakit ako natutong maging ganyan kalupit, Zabeth. Siya ang dahilan kung bakit wala nang puwang ang pagmamahal sa buhay ko.” Napahinto si Zabeth sa paghakbang. Sa halip na umakyat patungo sa kanyang sariling silid, napapunta ang mga paa niya sa paanan ng hagdan kung saan nakatayo pa rin si Claudio. Kahit nakatalikod ito, ramdam ni Zabeth ang bigat ng bawat salitang binitiwan nito. Ang boses nito ay hindi na puno ng galit gaya ng kanina, kundi puno ng isang kirot na matagal na nitong kinikimkim sa loob ng mahabang panahon. Dahan-dahang lumingon si Claudio. Ang mukha nito ay seryoso, walang bahid ng dating pang-aasar o kayabangan. Sa halip, nakita ni Zabeth ang lalaking nakatago sa likod ng matibay na pader na matagal na nitong itinatayo isang lalaking sugatan, nag-iisa, at puno ng pangungulila. “Sinabi ko sa’yo kanina na huwag mong himayin ang nakaraan ko,” panimula nito, mababa at paos ang boses habang dahan-dahang patungo pabalik sa kina
“Huwag mong isiping may ibang kahulugan ang ginawa ko kanina, Zabeth. Ginawa ko lang ‘yun para hindi masira ang imahe natin. Huwag kang mag-ilusyon na may ibang ibig sabihin ‘yon.” Bumukas nang malakas ang pinto ng penthouse at sabay na pumasok sina Claudio at Zabeth. Tumunog nang malakas ang takong ng sapatos ni Zabeth sa makintab na sahig habang naglalakad siya nang mabilis papunta sa gitna ng sala. Puno ng galit at pagkayamot ang bawat kilos niya. Ang mga salitang binitiwan ni Claudio pagkarating lang nila ay parang tubig na ibinuhos sa apoy ng damdaming nabubuo sa kanya kanina pa. Humarap siya rito, nanginginig ang mga kamay at nagniningning ang mga mata dahil sa halo-halong emosyon galit, pagkadismaya, at isang kirot na hindi niya maipaliwanag. “Imahe lang ba talaga?” balik niya, mataas ang tono, hindi na nagpipigil ng damdamin. “Iyon lang ba talaga, Claudio? Ang lahat ng sinabi mo, ang lahat ng ginawa mo kanina sa harap ng mga tao… proteksyon lang ba para sa kontrata natin?”
“Ngayon, asawa mo na ako sa mata ng lahat, kaya huwag ka magkakamali na aalis sa tabi ko kahit isang hakbang lang. Naiintindihan mo ba, Zabeth?” Madiin at walang pasubaling ang boses ni Claudio habang inaayos ang kwelyo ng kanyang suit sa harap ng malaking salamin sa loob ng sasakyan. Nasa tapat na sila ng malaking hotel kung saan gaganapin ang taunang Business Excellence Gala ang kauna-unahang pagpapakita nila bilang mag-asawa sa harap ng buong lipunan at mga kasamahan sa industriya. Nakaupo si Zabeth sa kabilang panig, suot ang isang mahabang pulang damit na humahalik sa sahig, ang buhok ay maayos na nakapusod, at puno ng mamahaling alahas na galing pa mismo sa pera ni Claudio. Tiningnan niya ang repleksyon nito sa salamin, puno ng pagkayamot pero pinipilit na maging kalmado. “Alam ko naman ang trabaho ko, Claudio,” sagot niya nang matigas habang inaayos ang kanyang hikaw. “Hindi mo kailangang paalalahanan ako nang paulit-ulit. Sanay akong humarap sa tao. Sanay akong magpangga







