"Hello, tita, kumusta po?""Miles, hija. Nakauwi ka na ba ng Pinas?" nagagalak niyang pangamusta sa dalaga."Yes po, tita at kasama ko si Mommy!""Oh great! Sobrang na miss ko kayo ng mommy mo!""We miss you too, tita. Mommy wants to see you po.""Mee too, maghahanda ako ng paborito ninyong pagkain ngayon.""So, see you later po?""Yes, hija." May kasama pang tango na sagot niya sa dalaga."Si Rashed po?"Muling napangiti si Clarisa nang marinig ang tanong ng dalaga. Si Miles ay anak ng kaniyang kaibigan noong college siya. Alam niyang may gusto ito noon sa kaniyang anak. Kung wala si Edlyn ay ito ang napupusuan niyang maging asawa ng anak. Isang sikat na model si Miles at nagkaroon ng offer sa France kaya napalayo rin sa kaniya. Limang taon din itong namalagi sa ibang bansa kasama ang ina nito."Maaga siyang umuwi ngayon galing sa opisina kaya makakasalo natin siya sa pagkain." Masigla niyang sagot sa dalaga.Kay lapad ng ngiting nakapaskil sa labi ni Miles. Nang mabalitaan niyang w
Read more