"Anak, huwag ka nang magalit sa kapatid mo. Nagdusa rin siya sa kaniyang ginawa. Gusto ko sanang magkaayos na kayong dalawa." Napabuntonghininga si Edlyn, oo at mahal siya ng ina at sa kaniya ito laging pumapabor sa pagitan nila ni Camela. Pero lingid sa kaalaman ng lahat ay pilit silang pinaglalapit ng ina. Kahit black sheep sa kanilang pamilya ang kapatid, anak pa rin nito si Camela."I'm sorry, mom, pero hangga't hindi kami ok ni Rashed ay hindi ko siya kayang patawarin."Mula sa kinatayuan, nalungkot si Luna sa naririnig mula sa isa pang apo. Kung totousin ay mad maldita si Camela kaysa kay Edlyn. Naawa rin siya rito at hindi na naging masaya sa buhay mula nang inagawan ni Camela.Sa mansyon ng mga De La Fuente, galit na ibinato ni Rashed ang pahayagan na inabot sa kaniya ng katulong."Hijo, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Clarisa sa anak."Block that news, right now!" Galit na itinuro ni Rashed ang news paper na nasa sahig.Nakuha naman agad ni Clarisa ang ibig sabih
Read more