Pagkagaling sa cemetery, dumiritso si Camela sa bahay na sa kaniya nakapangalan. Ngayon niya naisip na ibenta iyon at ibili ng bagong bahay. Ayaw niyang magkaroon pa ng alaala na nagmula sa dating asawa. Benta niya iyon bilang kabayaran ni Rashed sa lahat ng ginawa sa kaniya noon at para na rin sa kambal. Balak niyang bumili ng bahay at lupa sa probinsya nila Jackson para sa mga anak. Wala kasi siyang balak tumira sa luzon dahil maliit ang lugar na iyon para sa pamilya at mga anak. Hindi habambuhay ay nasa ibang bansa lang siya lalo na kapag nagka edad na. Pagdating ay naroon na ang abogado at nakangiting sinalubong siya."Mrs. De La—""Miss." Mabilis niyang itinama ang abogado.Ngumiti si Daniel sa dalaga at tumango. "Good morning, Ms. Camela. Sigurado na po ba kayo na ibebenta itong bahay at lupa?" "Yes, gusto kong maibenta ito sa lalong madaling panahon.""Okay, actually may nag-inquire na sa akin last year at gustong bilhin ito.""Thank you, Attorney, pinauubaya ko na po sa inyo
Terakhir Diperbarui : 2026-05-13 Baca selengkapnya