"Huwag kang mag-alala, sa sunod na project ay ikaw ang kukunin. Isa sa condition ko bago e aprove ang contract sa client ay ikaw ang kukuning endorser. Pagkakataon mo na iyon upang isampal sa mukha ng babaeng iyon kung ano ang kaya mo." Pang aalo ni Clarisa sa dalaga.Muling sumigla ang aura ng mukha ni Miles at niyakap ang ginang. "Thank you po, tita!"May pakinabang din pala itong pagpunta niya rito. Hind niya dapat panghinayangan ang nawala sa kaniya kagabi. Nang maalala si Camela ay naikuyom niya ang kanang kamay. "Gagantihan ko siya at ipakitang nagkamali siya ng kinalaban. Ipakita ko rin sa kompanyang iyon na maling tao ang pinagkatiwalaan sa pagpili ng modelo!"Napangiti si Clarisa at gusto ang nakikitang determination sa dalaga. "Tama iyan, hija, gawin mo ang nararapat at makapag pasaya sa iyo."Muling yumakap si Miles sa ginang at ngumisi. "Si Rashed po ang kaligayahan ko ngayon, tita."Tinapik tapik ni Clarisa ang balikat ng dalaga. "Do your best at inaasahan kong gagawa ka
Read more