AVERY POVNang makapasok si Nanay Elena sa kusina, tahimik na tumayo si Sandro mula sa sofa at naglakad patungo sa maliit na mesa sa gilid kung saan nakalagay ang kaniyang laptop. Halatang gelado pa rin ang kaniyang mood, at kahit pilit niyang itinatago ang galit sa harap ko, kitang-kita ko sa bawat kumpas ng kaniyang balikat na balisa siya."Sandro," tawag ko habang dahan-dahan ding tumatayo. Nilapitan ko siya at ipinatong ang kamay ko sa kaniyang braso. "Kumain muna tayo bago mo harapin 'yang mga papeles."Tumingin siya sa akin, at agad na lumambot ang kaniyang matitigas na mata. "Iniisip ko lang kung paano nakalusot ang package na iyon sa courier, Avery. Hindi dapat nangyayari ito.""Pumirma ako sa resibo, Sandro. Wala namang kasalanan ang nagdeliver," paalala ko sa kaniya habang iniaakay ko siya pabalik sa kainan. "Ang importante ngayon, narito ka na at ligtas tayo."Naupo kami sa hapag-kainan sakto namang inilapag ni Nanay Elena ang
더 보기