AVERY POVHindi ko na masyadong naintindihan ang palabas sa telebisyon kahit nakatitig ako sa screen. Kada ilang minuto, napapasulyap ako sa malaking glass window ng sala na nakaharap sa driveway at sa pangunahing gate ng compound. Kahit anong pilit ko na pakalmahin ang sarili ko, hindi pa rin mawala sa sistema ko ang lamig na iniwan ng boses ni Mariana."Avery, hija, gusto mo ba ng kaunting prutas? May binalatan akong mansanas dito," dungaw ni Nanay Elena mula sa kusina, may hawak na maliit na platito."Huwag na muna po, Nanay. Busog pa po ako sa sopas," sagot ko, pilit na pinapanatiling normal ang tono ng boses ko para hindi siya makatunog."O sige, basta sabihin mo lang kung may gusto ka, ha? Iidlip lang ako sandali sa kwarto ko sa ibaba, medyo sumasakit ang balakang ko dahil sa pagtayo kaninang umaga," paalam niya."Sige po, Nanay. Magpahinga na po muna kayo riyan."Nang makapasok si Nanay Elena sa kaniyang kwarto, tumayo ako
더 보기