AVERY POVHabang nakasandal ako sa malambot na sofa sa sala, napatingin ako sa malaking pintuan kung saan pumapasok ang malamig na hangin ng gabi. Dahan-dahan nang kumukutitap ang mga ilaw sa aming bakuran. Si Sandro naman ay nakatayo sa may gilid ng bintana habang maingat na itinataas ang isang sliding glass door para mas pumasok ang preskong amoy ng gabi."Medyo lumalamig na ang simoy ng hangin sa labas, Avery. Gusto mo bang kumuha ako ng shawl para sa balikat mo?" tanong niya habang nakatitig sa akin nang may matinding pag-aalaga."Huwag na muna, Sandro. Presko nga sa pakiramdam, e. Sakto lang para hindi ako pawisan," nakangiting sagot ko sa kaniya habang inayos ko ang aking pagkaka-upo.Lumapit siya sa akin at dahan-dahang umupo sa tabi ko sa sofa. Inabot niya ang aking kamay at hinaplos ang aking mga daliri."Mabuti naman kung ganun. Basta kapag naramdaman mong lumalamig na nang husto, sabihin mo agad sa akin, ha?" bilin niya bago hinalikan ang likod ng aking palad."Opo, boss,"
อ่านเพิ่มเติม