AVERY POVNapakabango ng amoy ng fried rice at tuyo na naghihintay sa amin sa hapag-kainan. Inalalayan ako ni Sandro sa pag-upo sa aking paboritong pwesto sa dulo ng mesa. Bago siya umupo sa tabi ko, sinigurado muna niyang may malambot na unan sa aking likod at nasa tamang pwesto ang footrest para hindi mangawit ang aking mga binti.Inilagay ni Nanay Elena ang portable crib ni Aria sa gilid ng mesa kung saan hindi siya direktang tatamaan ng hangin mula sa bintana pero madali pa rin naming makikita."Avery, kumain ka nang marami," malambing na sabi ni Sandro habang pinapalamnan ang plato ko ng bagong sangag na kanin, itlog, at dalawang pirasong tuyo. "Maganda rin 'tong mainit na tsokolate na ginawa ni Salve para sa 'yo.""Salamat, Sandro," nakangiting sagot ko habang kinukuha ang aking kutsara. "Kumain ka na rin. Kanina ka pa lakad nang lakad sa itaas."Naupo si Sandro sa tabi ko at kumuha rin ng kaniyang pagkain. Sabay kaming kumain habang maingat na nagkukuwentuhan tungkol sa mga sim
Read more