Bumigat ang pakiramdam ni Arah. Pagbukas ng elevator, dahan-dahan siyang lumabas. Akala niya ay normal lang ang pagod ng araw, pero biglang sumiklab ang kakaibang hilo sa ulo niya. Kasabay no’n, may kumirot sa bandang tiyan niya—mahina sa una, pero biglang dumoble.Napahawak siya sa gilid ng reception desk.“Ma’am?” agad na tanong ng receptionist. “Okay lang po ba kayo?”Hindi agad nakasagot si Arah. Pinilit niyang tumango, pilit na ngumiti kahit parang umiikot ang paligid niya.“Okay lang po… siguro pagod lang,” mahinang sagot niya.Pero kahit siya, alam niyang hindi iyon simpleng pagod.Dahan-dahan siyang napaupo sa waiting area couch. Pinikit niya ang mata, huminga nang mabagal, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Pero mas lalo lang lumalakas ang kirot sa tiyan niya, kasabay ng biglaang panghihina ng katawan.“Hindi dapat ganito…” mahinang bulong niya sa sarili.Sa isip niya, bumalik ang mga nakaraang araw—stress sa opisina, emosyonal na sigalot, si Joan at ang contract marriage.
Read more