“Edison, masyadong mamahalin ito...” paalala ni Arah habang nakatitig sa hiyas sa kaniyang leeg.“Bagay sa iyo. At tandaan mo, ikaw ang asawa ng CEO ng Axion ngayon gabi,” seryosong sagot ng lalaki habang nakatitig sa mga mata ni Arah sa salamin. Iniharap niya ang babae sa kaniya at marahang hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay, kung saan nakasuot ang kanilang wedding ring. “Nasa labas na ang mga reporters at ang mga board members. Maraming magtatanong, maraming titingin. Pero huwag kang matatakot, Arah. Hawakan mo lang ang kamay ko buong gabi, at ako ang bahala sa lahat.”Tinitigan ni Arah ang mga mata ni Edison. Gusto niyang maniwala na ang pag-aalalang nakikita niya ay totoo, ngunit ang alaala ng pag-uusap nina Joan at Edison ay muling sumagi sa kaniya. Tungkulin. Negosyo.“Opo, alam ko po ang gagawin ko,” sagot ni Arah, sabay pilit na ngiti. “Para po sa kumpanya.”Bahagyang humigpit ang hawak ni Edison sa kaniyang kamay sa narinig, ngunit hindi na siya nakapagsalita dahil ku
Read more