Kasal tayo sa papel, Edison. Alam ko po ‘yun, at hinding-hindi ko po kakalimutan ang kasunduan natin,” pagpapatuloy ni Arah. Kahit na nararamdaman niya ang pagsisimula ng panlalabo ng kaniyang paningin dahil sa luhang gustong kumawala, pilit pa rin niyang pinapanatili ang marahang tono ng kaniyang boses, ayaw maging bastos sa lalaking nagbigay sa kaniya ng bubong sa kabila ng lahat. “Kaya huwag niyo na po sana akong tratuhin na parang totoong asawa... kung ang totoo, si Joan naman talaga ang iniisip ninyo sa tuwing magkasama tayo.”“Arah, stop it,” pigil ni Edison, ang kaniyang boses ay naging mas mababa, may halong pakiusap. Humakbang siya palapit upang hawakan ang kaniyang kamay, ngunit mabilis na umatras si Arah, pinapanatili ang distansya sa pagitan nilang dalawa.“Uuwi na po ako, Edison. Doon sa penthouse kung saan walang ibang tao, kung saan hindi natin kailangang magpanggap sa harap ng marami,” sabi ni Arah habang dahan-dahang binubuksan ang pinto ng likod ng kotse. Mas gusto
Read more