Sa loob ng maliit at payak na silid sa bahay ng kaniyang Tita Elena, ang ilaw ay nananatiling nakasindi, anino ng isang babaeng nagmamadaling ayusin ang kaniyang mga damit sa loob ng isang maliit na maleta. Ang kaniyang mga kamay ay nanginginig, hindi dahil sa lamig ng gabi, kundi dahil sa matinding halo ng takot at determinasyon."Tita, kailangan na nating umalis. Ngayong gabi rin," mabilis na wika ni Arah habang inilalagay ang huling pares ng damit sa kaniyang bag. Ang kaniyang mga mata ay namumugto, bakas ng mga luhang kanina pa pumatak nang walang tigil. Nagulat si Tita Elena. Mabilis itong lumapit sa kaniya, humawak sa kaniyang mga balikat at tiningnan siya nang may matinding pag-aalala. "Arah, anak, kumalma ka. Anong nangyari? Bakit kailangan nating magmadali? Delikado sa biyahe ang ganitong oras, lalo na’t buntis ka. Hindi ka pa nakakapagpahinga nang maayos."Huminto si Arah sa pagtitiklop ng mga damit. Tumingin siya sa kaniyang tita, ang kaniyang mga mata ay malalim, punon
Read more