LOGIN“I heard na hindi na matutuloy ang pagpapakasal mo sa anak ng business associate ng Papa mo. Totoo ba?” tanong ni Yngrid nang humiga si Gianna sa sofa ng apartment.Napabuntong-hininga lang nang malalim si Gianna.“Yes.”Maikli ang sagot niya at halos wala nang lakas ang boses.Pinagmasdan siya ni Yngrid mula sa single sofa na nasa tapat niya.“Why? Ano raw ang dahilan?”“Dahil mas matanda ako sa kanya.”“Mas matanda?” Kunot-noong tanong ni Yngrid. “Gaano ba kalaki ang age gap ninyo?”“Six years. Twenty-seven siya.”Sandaling nag-isip si Yngrid.“Six years lang? Marami namang babae ngayon ang nagpapakasal sa lalaking mas bata sa kanila. Hindi naman ganoon kalaki ang age gap ninyo.”Mapait na ngumiti si Gianna.“Pero para sa kanya, malaking problema iyon. Sinabi niyang hindi niya type ang mga babaeng mas matanda sa kanya.”Muling natahimik ang buong sala. Sumandal si Yngrid sa sofa at ikinrus ang dalawang braso sa dibdib.“Kung ganoon, may itatanong ako sa iyo.”“Ano iyon
“Ikaw... may gusto akong hilingin sa iyo.”Kalmadong tiningnan ni Rayan si Alyona. Mababa ang boses niya, pero mas seryoso ito kaysa sa karaniwan.“Ano iyon?” mahinang tanong ni Alyona.“I want you to personally apologize to Kuya Riven.”Unti-unting nawala ang bahagyang ngiti sa mukha ni Alyona.“Bakit... kailangan kong humingi ng tawad?” Kunot-noo siyang nagtanong dahil hindi niya maintindihan.Marahang napabuntong-hininga si Rayan bago sumagot.“Nalaman ko lang na planado mo na pala from the beginning ang pagkikita ninyo ni Kuya Riven noong gabing iyon.”Natahimik si Alyona.“You invited him without telling him the real reason. Tapos, pagdating niya roon, ipinakilala mo agad sa kanya si Nayiva.”Kalmado pa rin ang tono ni Rayan.“Hindi iyon magandang paraan, Alyona. It wasn't respectful.”Agad na umiwas ng tingin si Alyona. Inabot niya ang baso ng orange juice sa ibabaw ng mesa at bahagyang uminom, na para bang kailangan muna niyang kumalma bago sumagot.“Ano... gusto ko
“Pwede naman, Mister Raeden.”Hindi si Rheana ang sumagot kundi si Bernice.Agad na lumingon si Rheana sa pinsan niya at binigyan ito ng matalim na tingin.“Ate! Ayoko nga!”Pero hindi pinansin ni Bernice ang pagtutol niya. Sa halip, natutuwa pa itong makita ang reaksyon ng pinsan. Lalong lumawak ang pilyang ngiti sa mukha nito.“Sure. Umupo ka lang. Sakto rin naman, hahanapin ko muna sina Tito at Tita.” Saglit na sinulyapan ni Bernice si Rheana. “Samahan mo muna ang pinsan ko, okay?”Pagkasabi niyon, nagmamadali itong tumayo mula sa upuan.“Ate Bernice!” tawag ni Rheana.Agad din siyang tumayo dahil balak niyang habulin ang pinsan.Pero isang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang biglang may malaking kamay na humawak sa pulsuhan niya.Mabilis siyang lumingon.Si Raeden.“Hoy, bitawan mo ako,” mahinang singhal ni Rheana habang sinusubukang bawiin ang kamay niya.“Umupo ka.”Mababa at kalmado ang boses ni Raeden, pero may diin iyon na mahirap balewalain.“I don't like be
“Good evening, Mr. Caizer,” bati ni Mario nang makarating siya sa harap ng host. Iniabot niya ang kamay niya habang nakangiti nang kalmado. “Happy wedding anniversary sa inyo ng asawa ninyo.”Mainit siyang sinalubong ni Caizer at nakipagkamay.“Thank you, Mr. Mario. I'm glad you could make time to attend tonight.”“Of course,” magalang na sagot ni Mario. “Hindi ko pwedeng palampasin ang invitation mula sa isang business associate.”Pagkatapos, bahagya siyang umusog sa gilid para bigyang-daan ang lalaking nakatayo sa likuran niya.“I'd also like to introduce my son. He'll be joining us tonight.”Napunta ang tingin ni Caizer sa matangkad na binatang nakatayo sa harap niya.“Good evening po, Tito,” bati ni Raeden habang iniaabot ang kamay niya. “Happy anniversary po. I wish you and Tita good health and happiness. May your marriage continue to grow stronger and happier with each passing year.”Malawak ang ngiti ni Caizer.“Thank you, hijo.”Mahigpit niyang kinamayan si Raeden bag
Nagkatinginan sina Caizer at Karina bago sabay na pigilan ang pagtawa. Ngayon lang nila nakitang talagang nawalan ng maisagot si Rayan.Palihim na sinulyapan ni Rayan si Alyona bago muling tumingin kay Astrid na nakayakap pa rin sa braso niya.“Ash...” mahinahon niyang tawag habang dahan-dahang sinusubukang kumawala sa yakap ng pinsan niya. “Pitong taong gulang pa lang ako noong sinabi ko iyon. Ako nga mismo, halos nakalimutan ko nang nasabi ko pala iyon.”Sa wakas ay bumitaw si Astrid, pero hindi pa rin nawawala ang pilyang ngiti sa mukha niya.“So...” Bahagya niyang itinagilid ang ulo. “Ibig sabihin, hindi na valid ang promise mo?”Marahang napabuntong-hininga si Rayan.“We were just kids back then. Hindi pa nga natin alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagpapakasal.”Umusli ang mga labi ni Astrid. “Meaning... may iba ka nang napili ngayon?”Hindi agad sumagot si Rayan. Sa halip, napunta ang tingin niya kay Alyona na tahimik lang na nakatayo sa tabi niya. Bahagyang ngumi
“Kung hindi lang dahil hiniling sa akin ni Alyona na pumunta, hindi talaga ako dadalo sa meeting na iyon,” kalmadong sabi ni Riven, pero ramdam ang pagiging seryoso sa tono niya. “I don't appreciate being set up with someone I barely know.”Bahagyang kumunot ang noo ni Rayan.“Kahit si Daddy pa ang gumawa noon, tatanggihan ko pa rin. Lalo na kung ibang tao ang gagawa niyon.”Marahang napabuntong-hininga si Riven bago nagpatuloy.“If Alyona weren't your girlfriend and someone I used to work with, I would've considered what she did disrespectful.”Natahimik si Rayan at pinili na lang makinig.“I went there because I thought we had something important to discuss. Inisip kong baka may hindi pa natatapos na trabaho. Pero pagdating ko, hindi nagtagal ay dumating din si Nayiva.”Marahan siyang umiling.“Doon ko lang napagtanto na ang totoong pakay pala ay ipakilala kami sa isa't isa.”“She should've told me from the beginning. Kung naging honest siya at sinabi niyang may gusto siyang
Kakarating lang ni Raoul sa Rodriguez Grand Corporation, ang malaking kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang pamilya na may operasyon sa loob at labas ng bansa.Matatag at may awtoridad ang bawat hakbang niya habang pumapasok sa engrandeng gusali na umaabot ng limampung palapag.Pagpasok pa lang ng ta
“Caizer…” mahina ang tawag ni Jenesis nang makapasok sila ng asawa niya sa kwarto matapos ang hapunan.Biglang humarap si Caizer, diretso ang tingin kay Jenesis, iyong tingin na malamig at matalim.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki, may halong panlalait. “Ang talino mo na ngayon ah. Al
“Ano ba ‘yan?!” matalim na sigaw ni Salome, sabay turo kay Jenesis na parang may nagawa itong malaking kasalanan, kahit na maingat naman nitong ginagawa ang paggupit ng kuko. “Hindi mo man lang maayos ang paggupit!”Biglang tumahimik ang buong sala. Tanging tibok ng puso ni Jenesis ang malakas sa l
“Caizer…” mahina ang boses ni Jenesis habang tumatayo mula sa pagkakaupo. Nanginginig ang kamay niya habang inaabot ang calling card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ‘to ulit, Caizer?”Mas tumalim ang tingin ni Caizer. “Bakit?” malamig niyang sagot. “Akala mo ba nagbibiro lang ako kanina? Y







