로그인Hatinggabi na, pero hindi pa rin maipikit ni Raoul ang kanyang mga mata. Nakaupo pa rin siya sa tabi ng kama ng kanyang anak, tuwid ang tindig at magkahawak ang dalawang kamay sa harap ng kanyang mukha.Hindi niya inaalis ang tingin kay Rheana. Sa maliit na mukha nitong namumutla ngayon. Sa munting ulo na nababalutan ng puting benda. Pati ang maliit na kamay ng kanyang anak ay may nakakabit nang mga suwero. May benda rin ang mga binti nito, dahilan para maramdaman ni Raoul na para bang dinudurog ang kanyang dibdib.Napakatahimik ng VIP room. Tanging mahinang tunog lamang ng heart monitor ang maririnig sa gitna ng gabi.Dapat sana ay masayang-masaya ang gabing ito. Ito ang gabing ipinlano nilang magkaroon ng celebratory dinner para sa promotion ng tatlo nilang anak sa paaralan. Ang gabing tuwang-tuwang tatawa si Rheana kapag nakita nito ang regalong alpaca na pinaghirapan niyang hanapin.Pero sa halip, nauwi ang lahat sa isang bangungot.Dahan-dahang hinaplos ni Raoul ang likod ng
Kakarating lang ni Duke sa ospital. Kalmado ang kanyang mga hakbang kahit seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. May dala siyang malaking paper bag na naglalaman ng mga bagong damit. Binili niya ang mga iyon sa isang boutique habang papunta sa ospital kung saan naka-confine si Rheana.Tahimik na tahimik ang VIP hallway nang gabing iyon. Tanging tunog lang ng air conditioner at paminsan-minsang mga yabag ng mga nurse ang maririnig.“Kuya,” mahinang tawag ni Duke nang makita niyang mag-isang nakaupo si Raoul sa labas ng VIP room.Lumingon sandali ang nakatatandang kapatid niya. Malamig at halatang pagod ang mga mata nito. Pero makalipas ang ilang segundo, ibinalik din ni Raoul ang tingin sa pintuan ng silid sa harap niya.“Medyo malayo kasi ang pinuntahan ko,” sabi ni Duke habang lumalapit. “Sorry kung natagalan ako.”Inilagay niya ang paper bag sa bakanteng upuan sa tabi ni Raoul. Hindi sumagot ang lalaki. Bahagya lang itong tumango. Mahinang bumuntong-hininga si Duke bago naupo sa
“Duke, nasaan ka na?” narinig ni Duke ang boses ni Iris mula sa kabilang linya habang nagmamaneho siya at binabagtas ang kalsada sa gitna ng gabi.“Nasa biyahe ako,” maikling sagot ni Duke habang nakatutok ang tingin sa daan.“Uuwi ka na ba?”Bahagya siyang umiling kahit alam niyang hindi naman iyon nakikita ng kanyang asawa. “Hindi. Papunta ako sa lugar nina Kuya Raoul at Caizer.”Agad na kumunot ang noo ni Iris sa kabilang linya. “What's happening, Duke? Ano na naman ang nangyari?”Mabigat na bumuntong-hininga si Duke bago sumagot. “Isinama ni Caizer ang mga anak ni Kuya Raoul nang walang pahintulot. Mula umaga hanggang hapon, hindi sila makontak.”“What?” Mahina na ang boses ni Iris dahil sa gulat. “So, nasaan na ngayon ang mga bata?”“Hindi ko pa alam kung nasaan sila ngayon,” tapat na sagot ni Duke. “Kakabalita lang sa akin ni Mama tungkol dito.”“Oh, my God…”“Susubukan ko munang tawagan si Kuya Raoul o si Jenesis,” kalmado niyang pagpapatuloy kahit halatang naninigas na
“Ano po iyon, Ma? Bakit n'yo ako pinapunta?” tanong ni Duke pagdating niya sa Rodriguez mansion.Huminto siya sa sala nang makita ang kanyang ina na naghihintay sa wheelchair, kasama ang personal nurse nito na nakatayo sa tabi. Halatang balisa ang tingin ni Salome.“Ra…oul…” pautal-utal na sambit ng nasa katanghaliang-gulang na babae.Agad na kumunot ang noo ni Duke.“Ano po ang nangyari kay Kuya Raoul?”“Cai… zer…”Diretso namang tiningnan ni Duke ang kanyang ina.“Then?”Mabilis at mabigat ang paghinga ni Salome habang dahan-dahan siyang umiiling. Nanginginig ang mga kamay niya sa ibabaw ng armrest ng wheelchair.“Don't… let Ra… oul hurt Cai… zer,” hirap na hirap niyang sabi.Dahil sa narinig, unti-unting nanigas ang panga ni Duke. Agad niyang ibinaling ang tingin sa nurse na nasa tabi ng kanyang ina. Sandaling nag-alangan ang nurse bago bahagyang tumango at nagsimulang magpaliwanag.“Ganito po kasi, Sir Duke… kaninang hapon ay nagkaroon ng gulo rito,” maingat niyang paliw
“Hello, Caizer?” malamig na tawag ni Raoul nang tuluyang makonekta ang tawag.Biglang huminto ang mabilis na umaandar na sasakyan sa gilid ng kalsada, dahilan para bahagyang umusog pasulong ang katawan ni Jenesis. Napigil ng babae ang kanyang paghinga nang mapansin ang lalong paglamig ng ekspresyon ng kanyang asawa.Mahigpit na nakadikit sa tainga ni Raoul ang cellphone na hawak niya. Pero ang boses na narinig niya mula sa kabilang linya ay hindi kay Caizer.“Hello, Daddy… si Riven po ito.”Agad na nagbago ang tingin ni Raoul.“Riven?” mahinang ulit niya. “Nasaan ka ngayon, anak? Where are your siblings?” tanong niya sa abot ng makakaya niyang mahinahong boses.“We're okay, Dad,” inosenteng sagot ni Riven. “Nasa bahay po kami ni Tito Caizer at Tita Karina.”Bahagyang gumaan ang bigat sa dibdib ni Jenesis nang marinig ang boses ng kanyang anak.“Where are you now, Daddy?” pagpapatuloy ni Riven. “Sabi n'yo po pupuntahan n'yo kami.”Hindi pa nakakasagot si Raoul nang biglang sumi
Pagkarinig sa tanong ng kanyang kuya, agad na napalingon si Rheana mula sa pagkakayakap niya sa stuffed alpaca. Mabilis na lumapit ang bata kay Caizer nang hindi pa rin binibitawan ang kanyang laruan.“That's right, Tito… kailan po natin makikita si Daddy?” inosenteng tanong niya. “Miss na miss ko na siya.”Sandaling nagbago ang ekspresyon ni Caizer, pero agad din niya iyong itinago sa pamamagitan ng isang bahagyang ngiti. Inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang remote control ng laruan at marahang hinaplos ang tuktok ng ulo ni Rheana.“Just wait a little longer, okay?” mahinahon niyang sagot. “Maliligo muna si Tito.”Pagkasabi no'n, agad na tumayo si Caizer at naglakad palayo sa sala nang hindi na nagbibigay pa ng ibang paliwanag.Hindi na muling nagtanong ang tatlong bata. Buong tiwala sila sa kanilang tiyuhin. Naniniwala silang sooner or later, siguradong dadalhin sila ni Caizer para muli nilang makita ang kanilang ama. At sa ngayon, ang magagawa na lang nila ay maghintay.Sinunda
Kakarating lang ni Raoul sa Rodriguez Grand Corporation, ang malaking kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang pamilya na may operasyon sa loob at labas ng bansa.Matatag at may awtoridad ang bawat hakbang niya habang pumapasok sa engrandeng gusali na umaabot ng limampung palapag.Pagpasok pa lang ng ta
“Caizer…” mahina ang tawag ni Jenesis nang makapasok sila ng asawa niya sa kwarto matapos ang hapunan.Biglang humarap si Caizer, diretso ang tingin kay Jenesis, iyong tingin na malamig at matalim.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki, may halong panlalait. “Ang talino mo na ngayon ah. Al
“Ano ba ‘yan?!” matalim na sigaw ni Salome, sabay turo kay Jenesis na parang may nagawa itong malaking kasalanan, kahit na maingat naman nitong ginagawa ang paggupit ng kuko. “Hindi mo man lang maayos ang paggupit!”Biglang tumahimik ang buong sala. Tanging tibok ng puso ni Jenesis ang malakas sa l
“Caizer…” mahina ang boses ni Jenesis habang tumatayo mula sa pagkakaupo. Nanginginig ang kamay niya habang inaabot ang calling card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ‘to ulit, Caizer?”Mas tumalim ang tingin ni Caizer. “Bakit?” malamig niyang sagot. “Akala mo ba nagbibiro lang ako kanina? Y







