“Ito ang pagsubok para sa 'yo, Love. Kung maniniwala ka ba sa kaibigan mo, o sa sarili mong asawa.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Jenesis ang sinabi ni Raoul kagabi.Hanggang kinaumagahan, habang abala ang kanyang mga kamay sa paghahanda ng almusal sa dining table, hindi pa rin niya maalis sa isip ang mga salitang iyon.“Pero parang imposible naman…” mahina niyang bulong sa sarili.“Anong imposible, Mom?”Napalingon agad si Jenesis. Nagulat siya nang makita si Riven na nakatayo sa likuran niya, maayos na ang suot na school uniform at handa nang pumasok.Mabilis na umiling si Jenesis. “Wala, anak.”Bahagyang kumunot ang noo ni Riven. Halatang hindi siya lubos na naniwala, pero pinili na lang niyang huwag nang magtanong.“Halika, umupo ka muna,” sabi ni Jenesis na may maliit na ngiti. “Nasaan ang mga kapatid mo?”Hindi pa man nakakasagot si Riven, dumating na sina Rayan at Rheana na patakbong papunta sa dining table.Sa likuran nila ay sumunod si Raoul gamit ang kanya
더 보기