“Congratulations, Riven! You're the first placer.”Mainit ang ngiti ni Miss Delilah habang inaabot sa paborito niyang estudyante ang isang dark blue na report card folder. Diretsong nakatayo si Riven sa harap ng mesa ng guro, may maayos na ngiti sa gwapo niyang mukha na kamukhang-kamukha ng kanyang ama.“Thank you, Miss,” magalang niyang sagot.“You're welcome.” Marahang hinaplos ni Miss Delilah ang tuktok ng ulo ng bata. “Keep up the good work, okay?”Matatag na tumango si Riven bago bumalik sa kanyang upuan. Naghihintay na roon si Jenesis kasama sina Rayan at Rheana, na nauna nang nakatanggap ng kani-kanilang report card.Paglapit pa lang ni Riven, agad na ngumiti nang proud si Jenesis.“Congratulations, anak!”Hinila niya palapit ang panganay na anak at saka hinalikan sa noo si Riven bilang pagpapakita ng pagmamahal.“Thank you, Mom,” nakangiting sagot ni Riven.“Ang galing-galing talaga ni Kuya Riven!” purong paghanga ni Rayan.Mabilis namang tumango si Rheana. “Kuya Rive
더 보기