LIANA POVMaga ang mga mata ko paggising. Halos apat na oras lang ang tulog ko dahil hindi mawala sa isip ko ang pirmadong papel na iniwan ko sa sala ni Razael kagabi. Paglabas ko ng guest room, sinalubong ako ng amoy ng bagong luto na bacon at kape.“Good morning, Ma’am Liana. Nakahanda na po ang breakfast niyo,” bati ni Manang.“Salamat po, Manang. Nasaan po si... si Raz?”“Nasa garden po, may kausap sa phone. Puntahan niyo na lang po doon pagkatapos niyo kumain.”Hindi na ako masyadong kumain. Isang pirasong bread at kape lang, sapat na. Dinala ko ang tasa ko palabas sa garden. Nakita ko si Raz, nakatalikod sa akin habang may kausap. Naka-white shirt lang siya at lounge pants, pero ang dating niya, parang nasa boardroom pa rin.“Yes, Lolo. We’re coming. I’ll introduce her properly. No, she’s not from the industry. Just wait,” sabi niya bago ibinaba ang phone. Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. “You look like you’ve seen a ghost.”“Hindi lang ako sanay na fiancée na ang
Last Updated : 2026-05-14 Read more