Share

CHAPTER 4

Author: Silentreign
last update publish date: 2026-05-14 17:01:05

LIANA POV

Tahimik ang hapunan, tanging ang kalansing lang ng kubyertos sa fine china ang naririnig sa loob ng dining room ni Don Federico Galvez. Ramdam ko ang bawat tingin ng matanda. Para akong specimen sa ilalim ng microscope. Si Raz naman sa tabi ko, parang walang pakialam habang dahan-dahang hinihiwa ang kanyang steak.

“So, Liana,” pagsisimula ng matanda matapos uminom ng wine. “Razael tells me you work as an event coordinator. At sa team pa ni Solane Recto.”

“Opo, Don Federico. Freelance lang po ako noong una, hanggang sa naging regular sa team ni Solane,” sagot ko. Sinikap kong hindi manginig ang boses ko.

“Interesting. At kailan pa kayo nagkaroon ng... deeper connection nitong apo ko? Because according to my records, Razael was very much single until that blackout happened.”

Lumingon ako kay Raz. Hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Ang init ng palad niya ay kabaligtaran ng malamig na atmosphere sa loob ng mansion.

“Lolo, we’ve been seeing each other for a while. Ayaw lang namin ng publicity. You know how toxic the media can be,” kalmadong sagot ni Raz.

Tumawa nang mahina ang matanda. “Toxic? Or convenient? Alam mo, Liana, maraming babae ang dinala rito ni Razael. Mga anak ng senador, mga heiress. Pero ikaw ang unang nakasira ng event ko at pagkatapos ay naging fiancée niya kinabukasan.”

“Minsan po talaga, ang pinakamagandang bagay ay nangyayari sa hindi inaasahang pagkakataon,” matapang kong sabi. “I know it looks sudden, but some things don’t need years to be real.”

Napataas ang kilay ni Don Federico. “Brave. I like that. Pero alam mo ba ang pinapasok mo? Ang pamilya Galvez ay hindi lang basta pamilya. It’s an empire. At sa empire, kailangan mo ng proteksyon. Do you have a family to back you up?”

Huminga ako nang malalim. “Wala na po ang mga magulang ko. Ako lang po ang mag-isa. Simple lang ang pinanggalingan ko, at wala po akong malaking apelyido na maipagmamalaki sa inyo.”

Tumingin ang matanda kay Raz. “She has no backup, Razael. Are you sure about this? You’re marrying a girl with no alliance.”

“I don’t need an alliance, Lolo. I need a wife who isn’t interested in my bank account. And Liana... she didn’t even know who I was when we first talked,” pagsisinungaling ni Raz. Well, half-truth. Hindi ko naman talaga siya namukhaan sa dilim.

Pagkatapos ng dinner, inaya kami ng matanda sa kanyang library. Amoy lumang papel at tabako ang loob. Pinaupo niya kami sa malalambot na leather chairs habang siya ay nanatiling nakatayo malapit sa bintana.

“Since you are now part of the family, Liana, I expect you to move into Razael’s house. Properly,” sabi ni Don Federico. “I don’t want any scandals. I’ll send my people to help you move.”

“Lolo, I can handle her moving,” singit ni Raz.

“No. It has to be official. I want the world to see that a Galvez is taking care of his own.” Tumingin uli sa akin ang matanda. “At isa pa, kailangan mong matutunan ang etiquette ng aming mundo. You’re no longer just a coordinator. You’re the future Mrs. Galvez.”

“I’ll do my best po,” sabi ko na lang.

Nang makalabas kami ng mansion, parang nabunutan ako ng tinik. Ang bigat ng hangin sa loob ng Alabang house na ’yun. Sumakay kami sa SUV at doon ko lang binitiwan ang kamay ni Raz. Basang-basa na ang palad ko sa pawis.

“You did well,” sabi ni Raz habang sinusuot uli ang seatbelt niya.

“Kinabahan ako doon sa part ng family alliance. Parang gusto niya akong ipakain sa pating,” sabi ko habang nakatingin sa labas.

“That’s just how he is. He tests everyone. Pero nakita mo naman, hindi ka niya pinalayas. That means he’s curious about you.”

“Pero Raz, ’yung etiquette training... seryoso ba siya?”

“Unfortunately, yes. My grandfather is a traditionalist. Pero huwag kang mag-alala. I’ll be there. Hindi kita pababayaan sa mga tuturo niya.”

Natahimik kami sandali habang bumibiyahe pabalik ng Forbes Park. Inisip ko ’yung sinabi ni Don Federico tungkol sa pag-move in. Ibig sabihin, wala na talagang balikan sa dati kong buhay.

“May problema ba?” tanong ni Raz nang mapansin niyang tahimik ako.

“Wala. Iniisip ko lang ’yung mga gamit ko sa apartment sa Pasay. Konti lang naman ’yun, pero may mga sentimental items ako doon.”

“We’ll get them tomorrow. Sabihan mo si Solane Recto na tulungan ka. I’ll send a truck,” sabi niya.

Pagdating namin sa bahay ni Raz, dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Nakita ko ang reflection ko sa stainless na fridge. Sino ba ’tong babaeng ’to? Naka-designer dress, nakatira sa Forbes, at fiancée ng isang bilyonaryo.

“Liana,” tawag ni Raz mula sa pinto ng kusina.

“Bakit?”

“Bukas, may pupuntahan tayo bago tayo kumuha ng gamit mo. We need to buy you a ring. Hindi pwedeng fiancée kita na walang suot na kahit ano.”

Tumango ako. “Sige. Ikaw ang bahala.”

Umakyat na siya sa taas. Naiwan akong mag-isa sa dilim ng kusina. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang gallery. Nakita ko ang isang lumang picture namin ni Jiro sa tapat ng isang karinderya sa Pasay. Masaya kami noon, kahit saktuhan lang ang pera.

“Ano’ng ginagawa mo ngayon, Jiro?” monologue ko habang nakatitig sa screen. “Siguro nandoon ka pa rin sa hotel, nagpapakasarap habang iniisip kung paano mo gagastusin ’yung perang kinuha mo sa akin. Hindi mo alam na sa isang iglap, naging basura ka na sa buhay ko. Nakakatawa, ’di ba? Akala mo ikaw ang wais. Pero tignan mo ako ngayon. Kasama ko ang lalaking hindi mo man lang mapapantayan kahit magtrabaho ka ng isandaang taon. This is just the beginning. Gagawin ko ’tong role na ’to hindi lang para kay Raz, kundi para patunayan na hindi ako ’yung aso-asuhan na sinasabi mo.”

Pinindot ko ang delete button sa picture. Maya-maya, narinig ko ang mahinang yabag ni Raz pababa ng hagdan. May dala siyang kumot.

“Malamig dito sa baba. Matulog ka na,” sabi niya sabay abot ng kumot.

“Salamat, Raz.”

“Goodnight, Liana.”

“Goodnight.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Accidental Fiancee   CHAPTER 28

    LIANA POVPagkaalis ni Razael patungong opisina, naiwan akong nakatitig sa kawalan sa malawak na sala. Pumasok si Manang mula sa kusina, may dalang tray para ligpisin ang mga ginamit naming tasa ni Amanda Torres. Nilingon niya ako nang may malawak na ngiti, ’yung tipong ngiting nang-aasar na may kasamang kilig.“Naku, Ma’am Liana, bagay na bagay po talaga kayo ni Sir Razael,” sabi ni Manang habang maingat na inilalagay ang mga baso sa tray. “Kanina habang nag-uusap kayo nung wedding planner, nakita ko kung paano kayo alalayan ni Sir sa balikat. Ngayon ko lang nakitang ganyan ka-giliw ang batang ’yan sa isang babae.”Pilit akong ngumiti, ramdam ko ang biglang pag-akyat ng init sa mga pisngi ko. “Naku, Manang, kailangan po kasi maayos ang impresyon kay Ms. Amanda. Alam niyo naman po, malapit na kaibigan siya ng pamilya.”“Kahit na po, Ma’am. Iba po ang titig ng isang lalaking napipilitan lang

  • The Billionaire's Accidental Fiancee   CHAPTER 27

    LIANA POVKinaumagahan, maaga akong nagising dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Pagtingin ko sa salamin, medyo may kaunting eyebags na ako dahil sa kaiisip kagabi. Paano ba naman, darating na raw 'yung sikat na wedding planner ngayon. Isang malaking hakbang na naman ito sa pagpapanggap namin ni Razael, at habang tumatagal, pakiramdam ko talaga ay mas lalong nagiging totoo ang lahat. Parang roller coaster ride na walang preno. Noong una, akala ko pirmahan lang ng kontrata at kaunting ngiti sa harap ng media ang gagawin ko. Pero ngayon, may wedding planner na?Inayos ko ang suot kong light blue casual dress at dahan-dahang bumaba sa dining room. Nadatnan ko si Razael na pormal na namang naka-business suit, habang seryosong nagbabasa ng kung ano sa kanyang iPad. Sumisipsip siya ng kape at hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nang maupo ako sa tapat niya.“Good morning,” bati ko habang inaabot ni Manang ang isang plato ng pancakes sa akin.“Good morning,” tugon niya nang hindi

  • The Billionaire's Accidental Fiancee   CHAPTER 26

    LIANA POVNaramdaman ko ang biglang panlalamig ng mga kamay ko habang nakatitig sa nanay ni Jiro. Si Tita Linda. Dati, noong kami pa ng anak niya, madalas akong magpunta sa bahay nila sa Cavite para magdala ng mga pasalubong tuwing sweldo. Palagi niya akong tinatawag na "anak" noon. Pero ngayon, habang nakatayo siya sa harap ko na namumugto ang mga mata, hindi ko alam kung paano siya haharapin."Liana, hija..." lumapit pa nang kaunti si Tita Linda, nanginginig ang kanyang mga labi. "Pakiusap, mag-usap naman tayo. Sinubukan kong pumunta sa lumang apartment mo sa Pasay pero sabi ng landlord mo, matagal ka nang umalis doon. Wala na kaming ibang mapuntahan."Bahagyang humakbang pasulong si Razael, hinarangan niya ang direktang linya ng paningin ni Tita Linda sa akin. Naramdaman ko ang init ng likod niya, isang pader na handang pumrotekta sa akin sa kahit anong gulo."Ma'am, if you have any concerns regarding Jiro Madrigal, you should talk to our legal team. Hindi na po sakop ni Liana ang

  • The Billionaire's Accidental Fiancee   CHAPTER 25

    LIANA POVTahimik ang lakad namin ni Razael patungo sa basement parking. Hawak niya sa isang kamay ang mga paper bags ng mga pinamili namin ni Tita Rebecca, habang ang isa naman niyang kamay ay nakapamulsa sa kanyang gray slacks. Tumingin ako sa paligid ng malawak at medyo madilim na parking area, nakikinig sa alingawngaw ng sarili kong mga takong sa semento.Noong huling beses na nasa isang basement parking kami, magkasama naming hinaharap ang gulo sa hotel. Ngayong araw, iba ang bigat na nararamdaman ko. Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Tita Rebecca sa loob ng sasakyan kanina—kung paano raw nagbago si Razael mula nang makilala ako, kung paano raw ito tumingin sa akin nang may pag-aalaga. Napahawak ako sa strap ng hand bag ko, medyo bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko mapigilang isipin kung napapansin din ba ni Razael ang unti-unting pagbabago sa pakikitungo namin sa isa't isa, o baka sadyang magaling lang talaga siyang magpatakbo ng negosyo kaya kahit ang emosyon ng mga ta

  • The Billionaire's Accidental Fiancee   CHAPTER 24

    LIANA POVDumating din sa wakas ang araw ng Miyerkules. Kanina pa akong alas-diyes ng umaga pabalik-balik sa harap ng salamin sa kwarto ko, sinusuri kung maayos ba ang lapat ng navy blue dress na pinili ni Ms. Karen. Simple lang naman ang tabas nito, pero dahil gawa sa mamahaling tela, mukha talaga akong kabilang sa mga nakatira rito sa Forbes Park. Sinuot ko rin ang pulseras na regalo ni Don Federico. Habang tinititigan ko ang kislap ng mga maliliit na brilyante sa pulso ko, naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Razael noong gabi sa study room niya. Sabi niya, sweldo ko raw ito sa maayos na pagganap sa trabaho ko.Inayos ko ang kwelyo ng dress ko habang nakatitig sa sarili kong repleksyon. Sweldo nga lang ba talaga ito? O baka ginagamit ko lang din ang katagang 'trabaho' para kumbinsihin ang sarili ko na walang personalan ang lahat ng ito? Noong gabing hinarap ko si Jiro sa basement at nakita kong hindi ako pinabayaan ni Razael sa harap ng mga pating sa board, may bahagi sa akin

  • The Billionaire's Accidental Fiancee   CHAPTER 23

    LIANA POVSabado ng umaga. Pagkababa ko sa kusina para uminom ng tubig, dinalhan agad ako ni Manang ng isang baso ng sariwang juice at sinabing maaga raw umalis si Razael para sa isang biglaang site visit sa bagong eco-estate project ng pamilya sa Laguna.Habang nakaupo ako sa tapat ng counter, hindi ko pa rin maiwasang maisip 'yung naging pag-uusap namin kagabi sa study room niya. Noong iabot ko sa kanya 'yung ginawa kong ham and cheese sandwich, nakita ko talaga kung gaano kalalim 'yung pagod sa mga mata niya. Pero ang mas tumatak sa akin ay kung paano niya sinabing hindi ko niloloko ang pamilya niya, kundi ginagampanan ko lang ang trabaho ko. Parang doon ko lang napagtanto na sa kabila ng pagiging malamig at kalkulado niyang CEO, marunong din pala siyang magbasa ng nararamdaman ng iba. O baka naman nakikita niya lang na stressed ako kaya niya sinabi 'yun? Sabagay, pareho lang naman kaming sumasalo sa isa't isa ngayon para sa kapakanan ng kontrata.“Ma’am Liana, may naghahanap po sa

  • The Billionaire's Accidental Fiancee   CHAPTER 5

    LIANA POVMedyo masakit pa ang ulo ko paggising dahil sa kakaisip sa mga nangyari kagabi sa mansion ng mga Galvez. Pero wala akong oras para mag-drama. Gaya ng sabi ni Razael, pupunta kami sa isang exclusive jewelry store sa Makati bago kami dumeretso sa Pasay para kunin ang mga gamit ko.“Ready?”

  • The Billionaire's Accidental Fiancee   CHAPTER 3

    LIANA POVMaga ang mga mata ko paggising. Halos apat na oras lang ang tulog ko dahil hindi mawala sa isip ko ang pirmadong papel na iniwan ko sa sala ni Razael kagabi. Paglabas ko ng guest room, sinalubong ako ng amoy ng bagong luto na bacon at kape.“Good morning, Ma’am Liana. Nakahanda na po ang

  • The Billionaire's Accidental Fiancee   CHAPTER 2

    LIANA POVTahimik sa loob ng sasakyan ni Razael Galvez. Sobrang lamig din ng aircon, pero hindi ko magawang magreklamo kahit ramdam ko pa ang basang tela ng blouse ko sa ilalim ng suot kong coat niya. Nakatingin lang ako sa labas, pinapanood ang malalabong ilaw ng Makati na dumadausdos sa bintana d

  • The Billionaire's Accidental Fiancee   CHAPTER 1

    LIANA POVNanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang paper bag ng mainit pang pasta. Nandito ako sa tapat ng Room 802 ng Diamond Hotel. Sabi ni Jiro, may tinatapos siyang "urgent report" para sa promotion niya, kaya naisipan kong dalahan siya ng paborito niya.“Surprise,” bulong ko sa sarili ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status