PRESENT DAY"Ika, my coffee…”Napaayos ako ng tayo nang marinig ang malalim na boses ni Ymilio habang pababa siya ng hagdan. Naka-unbutton ang unang dalawang butones ng kaniyang pormal na polo at medyo gulo pa ang kaniyang buhok. Ilang buwan na rin ang nakalilipas mula noong gabi na nagising ako rito sa kaniyang mansyon. At hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa angking kakigisan niya. Sobrang guwapo niya at ganoon din siya kabait sa akin, pero hindi ko alam kung bakit… parang natatakot ako na suwayin siya. Wala akong maalala, ni sariling katauhan ko ay wala akong kaalam-alam. Kung sino ang mga magulang ko, pamilya ko, at kung may kaibigan ba ako. Dito sa mansyong ito, katulong ako ng isang Ymilio at siya naman ang Lord master ko."Ika, my coffee," ulit niya, nasa harapan ko na siya, kaya nawala ako sa malalim na pag-iisip. “A-Ahh… yes po, Lord master. Ito na…” Ang kaniyang matatalim na mata ay dahan-dahang bumaba sa suot kong maid uniform na halos hindi naman mukhang unifor
続きを読む