Pinanatili ko pa ring kalmado ang mukha ko nang bumalik na si Ymilio mula sa kusina, dala na niya ang isang mangkok ng mainit na sabaw para sa aming hapunan. Ipinatong niya iyon sa mesa saka niya ako nginitian nang napakatamis, iyong tipikal na ngiti niya na dating nagpapatanggal ng lahat ng takot at duda sa dibdib ko. Pero ngayon, pakiramdam ko'y nagmistula iyon na isang matalim na kutsilyo na tumutusok sa dibdib ko.Hindi ko tanggap ang hinala ko. Nasasaktan ako dahil doon."Kailangan mong uminom ng maraming sabaw para lumakas ang katawan mo," malambing niyang sabi sabay sandok ng pagkain sa plato ko. "Gusto ko lagi kang malusog...""Salamat, Lord master," nakangiti kong tugon saka ko kinain ang inihanda niya. Ang sakit lang lalo kasi kahit ang pagkaing ito ay parang pinagdududahan ko na rin.Masarap ang pagkain, oo. Pero dahil sa pangingirot ng dibdib ko ay hindi ko ito malasahan masyado. Parang buhangin na tuloy ang pagkakalasa ko ng mga ito. Habang kumakain kami, pasimple kong k
อ่านเพิ่มเติม