Tahimik ang mga sumunod na araw sa aming bahay. Kapag sinabi kong tahimik, iyong tulad ng nakasanayan naming dalawa ni Ymilio. 'Yung bago ako mapraning sa maliliit na bagay.Pinilit ko talagang ibaon sa pinakamalalim na bahagi ng utak ko ang lahat ng paghihinala at pagdududa ko sa kaniya noong mga nakaraang araw. Ginawa ko lahat ng makakaya ko upang maging isang maayos, maalaga, at matino na kapareha sa kaniya. Araw-araw, pagkaalis na pagkaalis pa lang niya papunta sa kaniyang opisina, inilalaan ko ang buo kong oras sa paglilinis ng bawat sulok ng bahay kahit malinis naman na ito, niluluto ko ang mga paborito niyang pagkain, at nagpipinta ako sa maliit kong studio corner na itinayo ni Ymilio sa tabi ng malaking bintana sa sala.Gusto kong maiparamdam sa kaniya na tapat ako sa naging pangako ko. Gusto kong bumawi sa lahat ng sakit ng ulo at abala na naidulot ko sa kaniya noong mga nakaraang araw dahil sa pagiging praning ko.Isang hapon, habang abala ako sa pagpapatuyo ng panibagong po
Read more