Napatigil ang paghinga ko nang marinig ko ang boses ng babae mula sa kabilang linya ng telepono. Kahit medyo garalgal ang tunog nito dahil sa lumang linya ng landline, ramdam ko ang matinding kuryente sa buong katawan ko. Hindi ko mawari kung ito ang boses na nasa memorya ko pero sobrang pamilyar nga nito. "N-Nay?" halos pabulong kong wika habang hawak nang mahigpit ang receiver gamit ang dalawa kong nanginginig na kamay. "Nay? Ikaw po ba 'yan?"Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa kabilang linya. Tila ba napatigil din ang babae sa kaniyang ginagawa."Sino 'to?!" tanong ng babae, subalit sa pagkakataong ito, wala ang malambing at mainit na tono na pinaramdam niya sa akin sa aking panaginip at alaala. Ang boses niya ay naging mabilis, matalas, at tila ba galit. "Sabihin mo sino ‘to?!""Nay, ako 'to... si Alyzza!" naiiyak kong sabi, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. "Ako po ang anak niyo, si Alyzza! Buhay po ako, Nay!"Isang malakas na pagsinghap ang narinig k
อ่านเพิ่มเติม