Nang makabalik si Nanay mula sa paghatid kay Don Roberto sa labas, agad siyang pumasok sa salang kinaroroonan ko habang may hawak na mamahaling shoulder bag na mukhang bago.Hindi na ako nakapagpigil pa. Tumayo ako mula sa sofang kinauupuan ko at direktang humarap sa kaniya."Nay, anong ibig sabihin ng sinabi ni Don Roberto kanina?" deretsahan kong tanong sa kaniya. "Anong pag-uusapan namin tungkol sa hinaharap? Ano po ‘yun, Nay, at bakit parang masama ang pakiramdam ko doon?!" Sa sobrang kaba ko ay kusang napataas ang boses ko. Napatitig sa akin ni Nanay, pero ilang saglit pa ay bumuntong-hininga siya nang malalim. Ako naman ang medyo natigilan nang makitaan ko ng kaunting iritasyon ang kaniyang mukha bago niya ibinaba ang kaniyang bag sa ibabaw ng mesa."Ano ba namang tanong 'yan, Alyzza," aniya at masama akong tiningnan sa mukha. "Sinabi na nga sa'yo kanina na nagbibiro lang 'yung tao, 'di ba? Masyado kang maraming inisip. Pasalamat ka nga at binibisita ka pa ng isang tulad ni Don
Leer más