Nakapagtataka dahil kung ilag na sa akin ang mga kapwa ko estudyante, mas lalo pa itong nadadagdagan ngayon. Yung tipong matanaw lang nila akong dadaan, sobrang pag-awat na ang gagawin nila na akala mo talaga may dala-dala akong virus sa katawan. Kaya ang ending, hindi ako masyadong nakakatulog nang maayos sa kakaisip kung ano bang mali sa akin. E, wala naman akong maalala na kakaibang nagawa ko sa kanila. "Nandito ka lang pala!" Gulat akong napalingon nang may kumalabit sa braso ko, si Midenna lang pala. Hindi na talaga ako nabibigla sa biglaang pagsulpot niya kung saan. Maliban na lang kung nasa ilalim ako ng pag-iisip tapos basta-basta na lang niya akong tatawagin, katulad ngayon. "Ang loner mo masyado!" natatawa siyang tumabi sa akin. Tahimik ko na lang iniwas ang tingin sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa likod ng building, nakasilong sa Acacia Tree. Walang may gustong pumuntang estudyante dito, maliban lang sa akin. Ewan ko sa kanila, nakakatakot daw kasi ang parteng dito. "
더 보기