"Sandali, Jinah!"Dire-diretso lang ako ng lakad. Hindi nililingon ang hindi matapos-tapos sa tawa sa likod ko na si Midenna. He ruined everything, and yet here he is, chasing after me while laughing his ass off. Bwisit!"Jinah."Nahinto ako nang hawakan niya ako sa braso. Inis ko siyang nilingon. Padabog na binawi ang braso ko sa kaniya. "I'm sorry. Na-carried away lang ako kanina, I'm sorry," seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon, nawala ang kaninang tawang-tawa niyang mukha.Inilayo ko ang katawan ko sa kaniya nang susubukan na naman niya akong hawakan."Midenna," tiningnan ko siya diretso sa kaniyang mata, nagtitimpi. "I'm not against with your feelings, alam mo 'yan. Pero sana ilugar mo. Wala akong kaibigan dito kaya sa 'yo ako humingi ng tulong, but look what you did? Napalabas tayo. I won't ask for your help anymore, put that in your mind!" Then I walked out.Tinalikuran ko siyang nakatulala. Bahala siya sa buhay niya. Masama na ako kung masama, pero na-badtrip talaga ako.
Leer más