It's a wednesday in the morning at nakangiting Midenna ang sumundo sa akin. Halos inaraw-araw na niya ang pagsundo sa akin and it's irritating me... slightly.Tahimik akong nakaupo sa loob ng kotse nila habang siya'y ganoon pa rin, talak nang talak. Hindi ko lubos maisip kung saan niya kinukuha lahat nang ikinukuwento niya sa akin. Halos lahat naman ay walang kabuluhan para sa akin. "Oo nga pala, malapit na ang seminar niyo. Handa ka na ba?" There. Nakuha niya ang atensyon ko. "Hindi pa. Bahala na..." pasimple ko siyang kinibitan ng balikat, kahit ang totoo niyan, gusto ko nang magpaturo sa kaniya kung paano magsalita sa harap ng maraming tao. Kahit nakakarindi siya, hindi ko maiwasang aminin sa sarili na magaling siya pagdating sa ganoong bagay. "Kung gusto mo ng tulong ko, I can lend you my confidence,” he said, then laughed.Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako natuwa sa sinabi niya. Kahit pa pabiro ang paraan nang pagkakabigkas niya, alam ko namang seryoso siya. "Oo nga pal
더 보기