Jessy Ladiza's Point of ViewKanina pa ako naiinis sa katabi ko. Grabe kung makatalukbong sa kaniyang test paper. Ang damot!"Uy, Cole. Huwag mo ngang harangan!" bulong ko sa kaniya. "Number three, dali," tukoy ko sa sagot. Umayos siya ng upo na naging dahilan nang paglantad ng kaniyang mga sagot sa akin. "Good," ngisi ko sa kaniya saka ako nagpatuloy sa pagsasagot. "Mag-aral ka kasi, tss," he murmured. Saglit akong huminto. Binalingan ko siya. Sinuklian lang niya ako nang bigong iling. This guy!"Nakatulog ako, okay?" irap ko sa kaniya. "I won't buy that excuse," iling niya ulit. "E, 'di huwag mong bilhin! damot," iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa kaniyang papel. Wala akong panahon makipagtalo sa kaniya. Kailangan ko nang matapos ito dahil kanina pa nagba-vibrate ang phone ko. Baka naghihintay na sa labas si Ethan, my boyfriend. "Thank you," kindat ko kay Cole bago ako pumunta sa harap at pinasa ang papel ko. Isa siya sa mga dean's liste
Leer más