Jinah Salazar's Point of ViewAkala ko namamalik-mata lang ako, pero nang ngisian na niya ako pagkatapos niyang magpakilala sa lahat, doon ko na nakompirma. Si Midenna. Siya si Midenna, ang tanging sinisigaw ng isip ko kanina pa. Kamukhang-kamukha talaga niya siya. "Jinah," bulong sa akin ni Jessy. Sa harap siya nakatingin, sa puwesto ng kamukha ni Midenna. "Alam kong may pagkasira-ulo si Midenna, pero sigurado naman akong hindi siya 'yan. Ano, magdi-disguise siya, gano'n? Sh*t! Kinikilabutan ako," nakangiwing dagdag niya. Sa halip na sagutin ko siya ay nanatili lang akong nakatitig sa harap. Nakaupo ngayon ang kamukha ni Midenna sa tabi ng P.E instructor namin. Kalahati sa likod lang niya ang natatanaw ko, pero iba ang epekto nito sa akin. Midnight...The name is so familiar. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan ko ito narinig. Holy sh*t! This gives me goosebumps. Mabilis kong pinailaw ang hawak ko pang cellphone saka ako nagtipa ng mensahe kay Midenna. Napahigpit na lang
Read more