"Ang sinasabi ko lang, Jinah, mali ang ginawa mo. Yes, she’s immature. We know that. But you shouldn’t have trapped her. That was wrong, Jinah—”"So, siya tama sa ginawa sa akin? Accusing me for being thief? Tama ba 'yon, Midenna? Dapat lang 'yon sa kaniya," kalmado kong usal ngunit may bahid pa rin nang inis. "Hindi matatapos ang kaniyang kahibangan kung patuloy mo siyang papatulan.""So you're choosing her again over me? Hindi mo ba alam ang kahibangang ginawa niya nitong nakalipas na mga araw?!" "Of course not! I'm always on your side, alam mo 'yan." mabilis niyang depensa. "Talaga?" sarkastiko kong tugon. "Hindi halata, ha," inis kong iniwas muli ang tingin ko sa kaniya. "Iba kasi ang pagkakaintindi mo. I'm just concern, Jinah—""Sa kaniya?" mabilis kong putol sa kaniya. Alam ko sa pagkakataong ito, natutunugan na niya ang pagiging sarkastiko ng aking boses, but the hell I care. Kanina pa talaga ako nagpipigil. "Sa 'yo ako concern, Jinah," namumungay ang kaniyang matang naka
Read more