ALINA MONTEJO POV Nabitawan ko halos ang phone ko nung marinig ko ang iyak ni Rina. Ang buong katawan ko na kakapakalma lang mula sa legal office kaninang umaga ay biglang nanigas sa takot. "Rina? Rina, makinig ka sa akin. Nasaan ka ngayon? Naka-lock ba ang mga pinto niyo?" Sunod-sunod ang tanong ko, ramdam ko ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa ulo ko at ang panginginig ng mga tuhod ko. "O-Opo, Ate... andito ako sa loob ng kwarto, naka-lock 'yung pinto," sagot ni Rina sa kabilang linya, humihikbi pa rin. "Pero nasa labas sila sa may gate, sumisigaw. Sabi nila, alam daw nilang lumipat ka sa Maynila pero kapag hindi ka sumagot sa mga tawag nila, may mangyayaring masama sa amin ni Nanay dito." "Huwag kayong lalabas, Rina. Tatawag ako ng tulong, sandali lang—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, biglang kinuha ni Ezekiel ang phone mula sa kamay ko. Hindi ko man lang napansin na lumapit na pala siya nang husto sa tabi ko. Seryoso ang mukha niya, at ang mga mata niya ay parang pusa n
Read more