ALINA MONTEJO POV Mabigat ang bawat hakbang ko pabalik sa penthouse ni Ezekiel. Kahit pilit kong pinapakita kay Kian na okay lang ang lahat, ramdam ko ang lamig sa mga palad ko habang hawak ko ang maliit niyang kamay. Pagkapasok namin sa loob, sinalubong agad kami ni Nanny Cora na bakas din ang pag-aalala sa mukha. Mukhang nakasabay niya si Grace sa lobby kanina kaya alam niya na rin ang nangyayari. "Alina, okay lang ba kayo ng bata? Narinig ko kay Grace na umalis daw si Sir Ezekiel bigla," salubong sa amin ni Nanny Cora habang kinukuha ang maliit na backpack ni Kian. "Opo, Nanny. Medyo may emergency lang daw po sa lumang opisina ng St. Jude Clinic sa Quezon City," sagot ko habang pilit na ngumiti para hindi mag-alala si Kian. "Baby, punta ka muna sa playroom mo kay Nanny Cora, ha? Magluluto lang si Mommy ng lunch natin." "Opo, Mommy. Is Dada coming home for lunch po?" tanong ni Kian, tumingala sa akin gamit ang mga inosente niyang mata. Napatigil ako sagot. Gusto kong sabihing o
Read more