ALINA MONTEJO POVHalos pabalik-balik ako sa paglalakad sa pagitan ng sala at ng kusina habang hinihintay ang pagdating ni Ezekiel. Kahit sinabi niya kanina sa telepono na kontrolado niya ang sitwasyon, hindi pa rin tuluyang mawala 'yung kaba sa dibdib ko pagkatapos ng naging tawag ni Katrina. Ang daling sabihin na huwag mag-alala, pero kapag sarili mong pamilya na ang pinagbabantaan, mahirap talagang pakalmahin ang utak."Ate, maupo ka nga muna riyan. Nahihilo ako sa'yo, e," untag sa akin ni Rina habang nag-aayos ng mga laruan ni Kian sa carpet. "Sabi naman ni Sir Ezekiel, papunta na siya rito. Safe tayo rito sa loob, okay?""Alam ko, Rina. Medyo tense lang talaga ako," sagot ko habang sumasandal sa gilid ng sofa.Eksaktong alas-kwatro ng hapon nang marinig namin ang pamilyar na tunog ng private elevator. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ezekiel. Hawak niya ang kanyang suit jacket sa isang kamay, habang ang kabilang kamay naman ay hawak ang kanyang phone. Medyo maluwag na ang nec
Read more