ALINA MONTEJO POV Eksaktong alas-tres ng hapon nang dumating ang dalawang lalaking naka-suit sa penthouse. Sila ang mga corporate lawyers ni Ezekiel. Inilapag nila sa glass table sa sala ang isang makapal na folder na naglalaman ng co-parenting contract na binabanggit ni Ezekiel kanina. Naupo ako sa sofa habang si Kian naman ay abala sa panonood ng cartoons sa malaking TV, suot ang kanyang wireless headphones para hindi niya marinig ang pinag-uusapan namin. Si Ezekiel ay seryosong nakaupo sa tapat ko, habang ang mga abogado niya ay pormal na nag-explain ng bawat detalye. "Miss Montejo, according to the draft, Mister Valencia will fully shoulder all medical, educational, and living expenses of Kian," paliwanag ng isang abogado. "You will retain full maternal custody, but Kian will legally use the surname Valencia. Also, you and the child will permanently reside here in the penthouse for security reasons." Permanently reside. Pagkabasa ko sa linyang 'yon sa papel, medyo bumigat ang
Read more