ALINA MONTEJO POVNagising ako dahil sa mahinang tunog ng kulog at sa sunod-sunod na patak ng ulan sa labas ng bintana. Ang lamig tuloy dito sa loob ng kwarto. Pagtingin ko sa tabi ko, wala na si Kian. Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng pinto.Pagdating ko sa sala, nakita ko ang anak ko na nakaupo sa sahig kasama si Nanay, naglalaro ng mga building blocks. Si Rina naman, nakadungaw sa may malaking glass window habang may hawak na mug, pinapanood ang madilim na kalangitan ng Maynila."Ayan, gising na pala ang Mommy," nakangiting sabi ni Nanay nung mapansin ako. "Ang sarap ng tulog mo, ija. Hindi ka na namin ginising kasi mukhang kulang ka talaga sa pahinga nitong mga nakaraang araw.""Mommy! Look, I made a big house for us!" masayang sigaw ni Kian habang ipinapakita ang binuo niyang laruan."Wow, ang galing naman ng baby ko," lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago tumingin kay Nanay. "Si Ezekiel po, Nay? Umalis na ba?""Nandoon pa sa kusina, Ate,"
Read more