ALINA MONTEJO POV "Dahan-dahan lang sa pagtakbo, Kian," saway ko sa anak ko habang bitbit ko ang baso ng gatas niya patungo sa sala. "Opo, Mommy!" sagot niya, pero tuloy-tuloy pa rin ang mabilis niyang hakbang papunta sa pwesto kung nasaan si Rina na nakahiga sa sofa. "Tita Rina! Look, I'm awake na!" sigaw ni Kian sabay damba sa tiyan ng kapatid ko. "Aray ko naman, Kian! Ang bigat mo na, ha," reklamo ni Rina, pero agad din naman niyang niyakap ang bata at kiniliti sa tagiliran na nagpatawa nang malakas kay Kian. "Naku, Ate, mukhang lumalakas ang batang ito habang andito tayo sa penthouse. Parang bumibigat siya linggo-linggo." "Siyempre, panay ang pakain sa kanya rito nina Nanny Cora," sabi ko habang inilalapag ang gatas sa side table. "O, Kian, uminom ka muna bago ka makipag-gulo dyan sa Tita mo." Sumunod naman si Kian. Naupo siya nang maayos sa sahig at dahan-dahang ininum ang gatas niya gamit ang straw. Habang pinapanood ko siya, lumabas naman si Nanay mula sa kabilang kwarto,
Read more