POV: MyleneNakatayo ako sa tabi ng malaking bintana ng silid ni Kimmy, nakatingin na naman ako sa silid ng asawa ko, saka malungkot na nag-iisip.Mula rito sa ikatlong palapag ng Pediatric Wing, malinaw kong natatanaw ang dulo ng pasilyo ng Cardiac ICU—ang lugar kung saan pilit akong inilalayo ng mga tauhan ni Kim at ng matatayog na pader na itinayo ng lalaking iyon sa paligid ko. Ang dilim ng gabi sa Paris ay pinalalalim pa ng lamig na bumabalot sa salamin ng bintana, ngunit mas malamig ang matinding takot na patuloy na kumakain sa aking dibdib.Anim na taon. Anim na taon kong ipinagkait sa kanya ang aming anak. Anim na taon kong itinanim sa aking isip na masama siyang tao, na ipinagpalit niya ako kay Ella, at wala siyang pakialam sa aming mag-ina. Ngunit noong mga oras na nanganganib ang buhay ni Kimmy, hindi siya nagdalawang-isip. Ibinigay niya ang lahat—ang kanyang dugo, ang kanyang lakas, at ang sarili niyang buhay—para lamang mabuhay ang aming anak.'Paano kung huli na ang lah
Read more