Nanatili akong nakatayo sa harap ng pinto ng study room, habang mabilis at pilit na pinupunasan ang aking mga basang pisngi at matang namumula sa pag-iyak.Inaayos ko ang aking buhok at pilit na pinapakalma ang aking paghinga. Handa na ako. Handa na akong yumakap sa kanya, lumuhod sa kanyang harapan, at humingi ng tawad sa lahat ng taong ipinagkait ko ang aming sarili sa kanya. Sabik akong makita si Kimmy, ngunit mas sabik akong makita si Kim—upang sabihing naintindihan ko na ang lahat, na wala na ang galit, at na mahal na mahal ko pa rin siya.Inaasahan kong sa bawat segundo ay iikot ang doorknob at bubukas ang pinto para sa akin.Subalit hindi pumasok ang mag ama doon, kaya nagulat ako.Napatigil ako. Ang mga yabag na narinig ko sa labas—ang maliliit na hakbang ni Kimmy at ang mabibigat na sapatos ni Kim—ay hindi lumapit sa pinto ng library. Sa halip, narinig ko ang pamilyar na boses ng aking anak na nagtataka habang naglalakad sila patungo sa kabilang dako ng penthouse."Daddy Kim
Read more