LOGINSi Liam naman ay kinuha ang kaniyang laptop at tumingin sa akin nang may huling bilin. “Ate Kimmy.”“Bakit?”“Hindi mo kailangang sagutin agad ang lahat ng tanong namin ngayon. Pero sana... pag-isipan mo ang sinabi ko.”Ngumiti ako nang mapait. “Maglalaan ako ng oras para pag-isipan iyon.”“At huwag mong isiping kalaban kami.”“Alam ko.”Lumapit si Liam at isinunod akong niyakap. “We are always on your side, ate—kahit minsan pakiramdam mo ay kinakalaban ka namin.”Naramdaman ko na namang pumatak ang luha ko sa kaniyang balikat. Mahigpit ko siyang niyakap pabalik. “Thank you.”At pagkatapos, tuluyan na akong lumabas ng malaking bahay na iyon.Sa bawat hakbang ko palayo sa pamilyar na pinto, parang may isang bahagi ng aking pagkatao ang naiwan sa loob: ang batang laging naghihintay sa sala upang salubungin ng yakap; ang anak na uhaw na uhaw sa pagmamalaki ng kaniyang ama; at ang babaeng umaasang sa araw ng kaniyang kasal, buong pamilya siyang hahakbang papuntang altar.Hindi ko alam ku
“Luke...” mahina kong usal. “I just want everyone to be happy.”Ngumiti siya nang malungkot. “Then start by making sure you're not the only one sacrificing your peace just to keep everyone else happy.”Sa mismong sandaling iyon, muling nagsalita si Liam.“Ate, hindi ka na bata.”Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “I know.”“No... I don't think you actually realize it.”Napakunot ang noo ko. “Liam!”“Listen to me first.” Huminga siya nang malalim. “You have a career now. You're managing a multi-million company. You're making critical business decisions that directly affect employees, investors, and partners. Hindo ka na isang inosenteng bata na susunod lang sa bugso ng damdamin nang hindi iniisip ang delikadong kahihinatnan.”Natahimik ako.“At si Luke, graduating na sa kolehiyo. Hindi na rin siya paslit. Nauunawaan naming dalawa na ang mundong ginagalawan natin ay hindi kailanman kasing-simple ng gusto nating mangyari.”Napatingin ako kay Luke, na tumango nang sang-ayon.“You're right
“We're not your enemies, Ate Kimmy,” banayad ngunit mariing wika ni Liam.“Then stop making me feel like I'm fighting all of you alone!” nanginginig kong ganti.Natahimik kaming lahat sa loob ng sala. Maging si Luke ay napalunok at hindi na nagsalita.Napahinga ako nang malalim, pilit na kinokontrol ang nag-aapoy kong dibdib at pinakalma ang aking sarili. “I'm sorry,” bulong ko pagkaraan ng ilang segundo, basag ang boses. “I just... I don't know what else to do.”Naramdaman kong muling bumulusok ang mga luha sa aking mga mata. “I don't want to lose my family, guys. But I... I don't want to lose Jeff, either.”Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang nawala ang tigas at pader sa mukha ni Liam. Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking balikat.“Then don't make a decision purely out of fear, Ate Kimmy.”Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.“Make sure you're choosing him because he's truly the man you want to spend the rest of your life with—not because you're simply terrified to admi
Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya.Hindi dahil walang punto si Liam, kundi dahil ayokong tanggapin ang mapait na posibilidad na baka may sapat silang dahilan para mangamba nang ganito.Sa loob ng dalawang taon, si Jeff ang kasama ko sa bawat hirap at ginhawa sa pagbuo ng Greenzone Development. Nakita ko kung gaano siya nagsikap, kung paano niya hinarap ang bawat problemang dumating, at kung paano niya ako sinuportahan sa mga sandaling pinanghihinaan ako ng loob.Hindi ko kailanman maintindihan kung bakit napakahirap para sa pamilya ko na makita at pahalagahan ang mga bagay na iyon.“He's not doing anything behind my back!” mariin at nanginginig kong depensa.“How can you be so sure?” tanong ni Liam.“Dahil magkasama kami halos araw-araw!”“That doesn't completely answer my question, Ate Kimmy.”Napailing ako sa labis na frustrasyon. “Liam, please... Not you, too.”“Ate Kimmy, listen to me. I'm not asking you to break up with him. I'm just asking you to be careful and observant.”
“I love him, Dad... I really do,” umiiyak kong pag-amin habang pilit na inihahabol ang aking hininga. “And I know you don't believe me when I say that, but I truly do. He's been with me for two whole years. We've built Greenzone Development together from nothing... He's the man I want to spend the rest of my life with.”Hindi ko na napigilan ang tuluyang pag-agos ng aking mga luha. Ang panlalabo ng aking paningin ay sumisimbolo sa matinding sakit ng kaniyang pambabalewala.“Why can't you just be happy for me, Dad? Why is it so hard to just be happy for your daughter?”Matagal akong tinitigan ni Dad—ang kaniyang mga matang pader ng lamig—bago siya dahan-dahang tumayo mula sa kaniyang kinalalagyan.Sa isang iglap, naramdaman kong muli akong naging isang maliit at walang laban na bata sa kaniyang harapan: ang batang naghihintay ng mainit na yakap kapag nasasaktan, ang batang patakbong pumupunta sa kaniya kapag may malaking problema, at ang batang may pikit-matang tiwala na kaya niyang ay
POV: KimmyHindi ko na mabilang kung ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatayo sa harap ng pinto ng study room ni Dad.Hawak ko ang aking leather bag sa isang kamay, habang sa kabila ay ang maliit na kahon ng paborito niyang imported chocolates. Alam kong hindi iyon sapat para mapalambot ang matigas niyang puso, pero umaasa pa rin akong baka sakaling tanggapin at papasukin niya ako—kahit ilang minuto lamang.Ilang araw na ang nakalipas mula nang huli kaming mag-usap nang maayos.Sa tuwing uuwi ako sa bahay upang subukang makipag-ayos, palagi siyang may dahilan para iwasan ako. Minsan, sinasabi ng mga kasambahay na abala siya sa pagrepaso ng mga legal documents. Minsan naman, may mahalagang tawag daw mula sa business partners na kailangan niyang sagutin. At sa mga bihirang pagkakataong nakakasalubong ko siya sa hallway, isang malamig at walang-emosyong tingin lamang ang ibinibigay niya sa akin bago siya muling tatalikod.'Pero anak niya ako...'Hindi ba sapat iyon para big
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n







