ログイン“Jayzel!”May narinig akong pamilyar at masayang boses mula sa gilid.Paglingon ko, nakita ko ang ilang taong nakasama ko sa law school. Ang iba ay mga dating kaklase, at ang iba naman ay ang mga naging kasama ko sa mga puyatan at review sessions. Agad silang lumapit sa akin nang may malawak na ngiti sa mga labi.“Congratulations!”“Top Four ka! Grabe, Jayzel!”“Alam naming magaling ka, pero hindi namin inasahan na aabot ka riyan!”“You're amazing!”Hindi ko alam kung paano sasagutin ang sunud-sunod na pagbating iyon. Patuloy lamang akong nakangiti habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko, paulit-ulit na nagpapasalamat sa kanila.“Thank you... thank you so much.”“Congratulations ulit sa iyo!”May isa sa kanila na lumapit at niyakap ako nang mahigpit. “Alam mo ba, ikaw ang isa sa mga taong pinakahinangaan ko sa law school? Hindi ka basta sumusuko. Kahit sobrang nahihirapan ka na, tuloy ka pa rin.”Napangiti ako nang mapait. “Lahat naman tayo nahirapan dito.”“Oo, pero hindi lah
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatiling magkayakap sa gitna ng maraming tao.Unti-unting humupa ang aking marahas na paghabol sa paghinga at pag-iyak, ngunit nahihiya pa rin akong tumingin nang diretso sa mga taong nasa aming paligid.Nakatayo pa rin si Jun sa aking harap, mahigpit na hawak ang aking mga kamay. Si Mama at Papa naman ay nasa magkabilang tabi namin, kapwa sinusubukang payapain ang aking loob.“Anak,” mahinang aya ni Mama, “gusto mo bang umupo muna tayo roon sa gilid?”Tumango ako nang mahina.Ngunit bago pa man kami makahakbang palabas sa karamihan, biglang may narinig kaming malakas na hiyaw mula sa mga taong nasa bandang unahan.“Wait! Wait! May announcement pa!”Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses.Agad na nagsimulang magbulungan at magkagulo ang mga tao sa aming paligid.“May Top Ten pa pala!”“Gago, Top Ten!”“Ilalabas pa pala ang listahan ng mga nanguna!”Napakunot ang aking noo. Hindi ko agad naunawaan ang sinasabi nila. Dahil sa sobrang
“Wala…” mahina kong bulong.“Jayzel?” nag-aalalang tawag ni Mama.Hindi ako makasagot. Patuloy lamang akong nakatitig sa malaking screen, pilit na naghahanap ng mirakulo.“Wala... wala ang pangalan ko, Ma.”Naramdaman kong kumilos si Jun sa aking tabi. “Wait. Let's check it again. Baka nalaktawan lang natin.”“Wala, Jun... wala talaga.”Muli kong sinuyod ang buong listahan mula taas pababa. Wala talaga. Walang Lacsamana.Hindi ko alam kung ilang segundo akong napako sa kinatatayuan ko, umaasang baka may hindi lang ako nakita, baka may bahagi ng listahang hindi nag-load sa screen, o baka may pagkakamali lang sa pagpapakita. Pero habang lumilipas ang mga segundo, unt-unting naglalaho ang huling natitirang hibla ng pag-asa.Napayuko ako. Hindi ko namalayang mabilis na palang tumutulo ang mainit na luha sa aking mga pisngi.“I'm sorry...” bulong ko.Agad na hinawakan ni Jun ang magkabilang balikat ko. “Hey. No. Don't apologize, please.”“I'm sorry...”“Jayzel, look at me.”Umiling ako nan
“Pati ikaw, Papa, nakikisali ka na riyan,” reklamo ko, pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagngiti.Ngumiti si Papa at lumapit sa akin. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. “Anak, huwag kang masyadong kabahan. Anuman ang mangyari ngayong araw, sobrang proud kami sa iyo.”Napayakap ako nang mahigpit sa kaniya. “Thank you, Papa.”Hinalikan niya ako sa noo. “Pinaghirapan mo ito. At anuman ang maging resulta, hindi kailanman mababawasan ang pagmamahal at pagmamalaki namin sa iyo.”Mula sa kabilang tabi ko, narinig ko ang mahinang pagsinghot ni Jun. Napaatras ako mula sa pagkakayakap kay Papa at agad na lumingon sa kaniya.“Jun? Umiiyak ka ba?”Mabilis siyang umiling habang pilit na ibinabaling ang mukha sa malayo. “No.”“Namumula ang mga mata mo, o!”“It's the wind, Jayzel.”Napatingin ako sa paligid. Walang man lang malakas na hangin na umiihip sa kinaroroonan namin.“Talaga?”“Yes.”Napangiti ako nang pilyo. “Sinungaling.”Bago pa siya makasagot at makadepensa sa sarili, binitawan n
“Hindi mo kailangang maging ganoon ka-honest!” singhal ko, kahit hindi ko na mapigilan ang pagngiti.Tumingin siya sa akin nang walang kaimpormasyon-impormasyon sa mukha, na para bang wala siyang ginawang masama. “Bakit? Hindi ba iyon ang napag-usapan natin?”“Jun!”“Anong Jun? Ikaw naman ang nagsabi na kapag pumasa ka sa Bar, magpapakasal na tayo.”“Hindi ko sinabing kailangan mong ipaalam sa buong mundo na naghihintay ka lang ng lisensiya ko para makasal tayo!”“Hindi naman sa ganoon.”“E, ano?”Ngumiti siya at bahagyang yumuko upang magpantay ang aming mga mata. “I'm waiting for you to become the woman who can proudly sign her name as Atty. Jayzel Sanchez. Apelido ko na, siyempre.”Natahimik ako. Napatingin ako sa kaniya, hindi sigurado kung dapat ba akong matuwa o mainis sa natatanging kakayahan niyang bigla na lamang akong patitiklopin at patahimikin.“Ang daya mo,” bulong ko.“Why?”“Dahil kapag ganiyan ka magsalita, hindi ko na alam kung paano kita sasagutin.”Lalong lumawak an
HINDI ko na alam kung ilang beses na akong napabuntong-hininga mula nang makarating kami sa harap ng University of the Philippines Diliman.Ilang beses ko na ring tiningnan ang cellphone ko, umaasang may bagong balita tungkol sa oras ng paglalabas ng resulta ng Bar Examinations. Pero wala. Paulit-ulit ko lang nakikita ang parehong mga post, parehong mga komento, at parehong mga tanong mula sa mga katulad kong naghihintay sa pinakamahalagang balita ng aming buhay.'Pumasa ba ako?'Iyon lamang ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko.Sa araw na ito, malalaman ko kung ang lahat ba ng gabing halos hindi ako natulog, ang mga librong ilang ulit kong binasa, ang mga kasong pilit kong isinaulo, at ang mga luha't pagod na tiniis ko ay magbubunga ng pangarap na matagal ko nang ipinaglalaban.Ngayong araw, malalaman ko kung magiging abogado na ba ako. At higit sa lahat, malalaman ko kung matutupad ko na ba ang pangakong binitiwan ko sa lalaking nakatayo sa tabi ko.Si Jun.Kung tutuusin,
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n







