"Mommy!" tuwang-tuwa na sigaw ng mga bata matapos ay agad din silang yumakap sa akin. Mula sa kinatataguan ni Gia, lumabas na rin siya at tumakbo papalapit sa amin. "Mommy, salamat po na pumunta po kayo dito. Pero, sana po ayos ka lang po," nanginginig ang labi ni Juliana ng sabihin niya ito. Kita ko sa mga mata ng mga bata na ako pa rin ang kanilang iniisip. Ganito talaga kabait ang mga anak ko. "Pasensya na mga anak ko, natagalan si mommy. Pero ngayong nandito na ako, sabay-sabay na tayong lalabas dito. Wala ng mangyayaring masama sa atin. Basta huwag na huwag kayong lalayo kay mommy, kahit na anong mangyari ah." Sabay-sabay na tumango ang mga anak ko. Hindi na kami pwedeng tumagal pa rito. Kaya naman napatayo na ako nang maayos at nakasunod naman sa likuran ko ang mga bata. Nang papalabas na sana kami. Biglang bumungad sa amin si Lui. Gulat na gulat ako. Samantalang ang mukha niya ay galit na galit sa akin. "Akala mo ba talaga makakaalis kayo dito, Grace? Ang lakas ng loob
더 보기