Dahil wala akong masyadong magawa ngayon. Nagluto na lang muna ako dito sa kusina. Para naman may makain ang mga anak ko na luto ko. "Ma'am, ako na po diyan. Kami na po ang magluluto dito," sambit ng isang kusinera dito. Gusto niya ako pigilan pero natutuwa ako sa ginagawa ko. "Hindi na po, ako na po ang magluluto ngayon. Don't worry po, sanay naman po ako magluto," nakangiting saad ko. "Pero ma'am, gawain po namin 'yan. Kami na po talaga ang magluluto. Baka po mamaya mapagalitan po kami kapag makita nila na ikaw ang gumagawa ng trabaho namin," nahihiyang tugon niya. "Kayo naman, hindi sila magagalit. Alam naman nila na sanay ako magluto. Matutuwa pa nga sila kasi ang ang magluluto ng pagkain nila. Kaya sige na po, hayaan niyo na po ako dito. Masaya po ako sa ginagawa ko," mahinahon ka tugon ko ulit. "Sigurado po kayo ma'am ah. Pero kapag may kailangan po kayo huwag po kayong mahiya na tawagin po kami. Tutulong pa rin po kami," nakangiting saad niya. Mukha naman siyang mabait.
Read more