Sa gitna ng kainan naging tahimik lamang kaming lahat. Tanging ang mga kutsara, tinidor, plato, baso lang ang gumagawa ng ingay--- mga gamit sa pagkain namin. Ewan ko ba, wala akong ganang makipag-usap ngayon. Nakatuon lamang ang tingin ko sa kinakain ko. Tysaka na siguro ako magsasalita kapag may ma una na.Lumipas ang ilang minuto, wala pa rin pagbabago sa nangyayari. Tahimik pa rin kami. Hanggang sa..."Mommy, pwede po ba kami maglaro mamaya sa bakuran?" Pagbagsak ni Gerald sa katahimikan. Napatingin ako sa mga bata. Nagpapa-cute silang nakatingin sa akin."Ahm, sige mga anak ko. Maglaro lang kayo. Basta huwag lumabas ng bahay ah. Huwag kayong lalayo, okay?" nakangiting sagot ko sa kanila."Yes po mommy. Maraming salamat po," sagot ni Gerald. Saglit ay muling tumahimik ulit. Ngunit, kalaunan lang ay nagsalita ulit ang mga anak ko."Mommy, tapos na po kami. Maglalaro na po kami ah..." nakangiting singit ni John."Magpahinga muna kayo saglit. Tapos maglaro na kayo." Sabay-sabay silan
더 보기