"Jeff meron pala akong sasabihin sa 'yo. Gusto ko sanang ipaalam ang tungkol sa natuklasan ko sa family ko," pagsira ko sa katahimikan. Napatigil si Jeff sa kinakain niya. Kaya naman ay napatigil din ako at tumingin sa kaniya. Nagkatitigan naman kaming dalawa. At gumuhit sa mga mukha namin ang pag-aalala at seryoso. "What do you mean? Yeah, tell me. Let me see kung makakatulong ako. I will do my best, my love," malambing niyang sabi dahilan ng pagngiti ko. Kahit kumakain kami pinapakilig niya pa rin ako. Kaya tanggal pagod agad ako eh. Ang sarap kaya sa pakiramdam ko. "Ahm, gusto ko kasi sabihin sa 'yo na may kakaibang natuklasan ako eh. Pero ayaw ko sana sabihin sa mga kuya ko at kay Dad. Dahil sila mismo ang tumatago nito sa akin." “Natuklasan ko kasi na buhay pa ang mommy ko.” Gulat na tumingin sa akin si Jeff. Tinuloy ko lang ang sasabihin ko. “Pero, tinatago ito sa akin ng mga kuya ko at ni Dad. Gusto ko sana malaman kung na saan ngayon ang mom ko. Tapos, may nakita ako sa
Read more