Inasikaso ng doctor ang anak ko. Agad naman na naagapan ang kamay ni Gia. Ngunit, sandali lang ang lumipas. Hindi ko na makita ang iba pang mga bata. "Anak Gia, dito na muna kayo ng dad mo. Pupuntahan ko lang ang mga kuya mo at si Daryll. Para makauwi na tayo," mahinahon kong tugon sa anak ko. Hinimas ko ang buhok nito. "No po, ayaw ko po mom. Dito lang po kayo ni Dad. Nandiyan lang po sila sa labas eh. Babalik din po sila agad," pagpipigil sa akin ni Gia. Nagkatitigan kami ni Jeff. "Hayaan mo na mahal, dito na muna tayo sa anak natin. Tama naman siya, nandiyan lang sa labas ang mga kuya niya," kalmadong sabi ni Jeff sa akin. Hindi ko naman nakita ang pag-aalinlangan sa mata niya. Ibigsabihin ay buo ang tiwala niya sa mga anak niya. Kaya mas maigi kung maniniwala na lang rin ako. "Sige na nga. Dito na ako, hindi na ako aalis," aniya ko naman. Nakangiti kong hinimas muli ang buhok ng anak ko. Sa puntong ito ay nakita kong masaya na ang anak ko. Kaya, mas mabuti nga na dito
Read more