A N G N A K A R A A N KWENTO ni Jayson Santiago. “Ano ba ‘yan kuya Jayson? Halamang gamot po ba ‘yan? Uso pa po pala ngayon ang mga halamang gamot?” Dahil bata pa ako, normal sa akin ang magtanong ng kung ano-ano lalo na Wala akong maintindihan sa mga ginagawa ni kuya. Paano ba naman kasi, ang dami niyang ini- experiment minsan eh. Wala naman akong ma-gets. Pero, ang mas ipinagtataka ko. Sa mga gawa ni kuya at kapag ginagamitan niya ako para sa sugat ko, magaling ito magamot. “Grace, maraming bagay ka pa na hindi maintindihan kahit ipaliwanag ko ng paulit-ulit. Basta, sa ngayon ay gumagawa pa ako ng epektibong gamot na madaling makaligtas ng buhay,” kalmadong sagot ni kuya habang namimitas siya ng halaman. Halamang na hindi ko alam kung ano. Basta, sobrang green siya at bilog. Oo nga naman, tama ang sinabi ni kuya, hindi ko maintindihan. Wala nga akong maintindihan eh. Pinagmasdan ko na lang si kuya sa ginagawa niyang pamimitas. Ngunit, maya-maya pa isang malambot na kung
Read more